ALEXA's ENDING "A-nong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Forth nang kumuwala ito sa akin. Pagtataka rin ang nararamdaman ko kung bakit nandito si Chester at Grace. "Grace?" "Happy to see you again, bestfriend," anito sa akin. Nakangiti akong pinaglipat-lipat ang tingin ko sa kanila, natuon kay Forth. "Mahal kita," anitong labis na nagbigay ng saya sa puso ko. "Mahal na mahal din kita. Pero wala akong naiintindihan kung bakit ka nandito? Sa lahat ng ginawa kong kasalanan sa'yo..." "Hindi na importante yon, Alexa. Ang mahalaga now sa akin, makita ka at makasama ka." "Paano si Chelsea? Ang kasalanan ko sa kaniya?" "Huwag mo ng intindihin si Chelsea, nag-usap na kami." Nilingon nito si Chester. "At inamin na rin ni Chester ang lahat sa kaniya," Ngumiti sa akin si Chester maging si M

