ALEXA POV ISANG linggo mula nang makabalik ako sa Manila, nauna lang ako sa grupo. Kinailangan ko kasing makabalik pagkatapos ng tawag na natanggap ko mula kay Mama sa Laguna. Naging maayos naman ang lahat ng launching ng banda ng Destiny band, balita sa akin ni Japet. Nagawa ko rin ang lahat ng maayos ang trabaho ko, pagkabalik ko, habang nasa bahay ako namin. Nandito ako ngayon sa condo ko. Kagagaling ko lang din kasi sa San Pedro, Laguna pagkatapos kong makatanggap ng tawag kay Mama, inatake daw si Papa, ng highblood niya. Kaya agad akong lumuwas pabalik ng Manila, na hindi na natapos ang launching. Ayaw ko kasing pabayaan ang Mama ko mag-isa mag-asikaso kay Papa, gusto kong kasama niya ako. Nakalabas na si Papa, naging maayos naman ang siyang lagay niya kaya nakabalik ako agad, pa

