ALEXA POV DAHIL sa litong nararamdaman ko nandito ako ngayon sa bahay ni Grace, para ipagbigay alam sa kaniya ang lahat ng nakita ko tungkol kay Chelsea, sa condo mismo ni Forth. Naliligo pa raw si Grace, sabi ng katiwala nila. Nanginginig ang kamay kong muling tiningnan ang ilang larawang nakunan ko. Hindi ko talaga akalaing magagawa ito ni Chelsea at ang masama sa lahat sa condo mismo ni Forth niya ito ginawa.. "Napakawalang hiya niya!" galit kong bulong sa sarili ko. Ang unang beses kong nakita siya kasama ang lalaking kasama niya sa condo ni Forth, ay natiis ko pa. Pero ang makita silang walang saplot sa katawan sa ibabaw ng kama ng silid ni Forth ay kailanman hindi ko na makakaya pa. "Bestfriend, napadalaw ka." Tumayo ako para salubungin ng yakap si Grace. "May kailangan ka mala

