Chapter 70 : ALEXA POV ITO na yata ang pinakamasiglang gising ko sa lahat ng umagang mayroon ako sa buhay. [ Goodmorning, Loves. Wake up na remember it's our first day." Hindi ko maiwasang mapangiti sa text message na natanggap ko mula rito. Ganito pala si Forth. Napasinghap ako sinandal ang likod sa headboard ng kama ko bago ko sinagot ito. [ Kanina pa ako gising. Ikaw? Kumain ka na ba? ] reply ko sa kaniya. Sabi niya--- it's our first day daw today. Ito pala ang feeling na may boyfriend parang napaka-productive naman yata. Nakakatuwa. Hindi ko pa kasi naranasan ito kahit kailan, dahil sadyang nilaan ko ang puso ko kay Forth. At sino ba makapagsasabi na magkakatotoo lahat ng pangarap ko? Minahal ako ni Forth at alam kong totoo ang damdaming 'yon. 'Pero paano pag nalaman niya ang

