Monsters are real,
ghosts are real too.
They live inside us,
and sometimes,
they win.
"Gab gumising kana nandyan si Cloey sa baba"rinig Kong sabi ni mama sa labas ng room ko.
"Hmmmm ang aga pa inaantok pako"sabi ko sbay taklob ng kumot sa mukha ko.
Nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko."Gab bumangon kana kanina pang umaga pa sya nandito mahiya ka naman sa bisita at pinapahintay mo pa ikaw talaga tulog mantika ka"rinig Kong ulit na sabi ni mama.
Kaya inis Kong tinanggal yung talukbong ko sa mukha at nagulo ko na lamang sa inis ang buhok ko tsaka bumangon.Inayos ko ang higaan ko at dumerertso sa banyo para maligo.
Habang naliligo ako mag papakilala muna ako ehem ako si Gabriella C. Anderson ,16 yearS old 4th year high school.Ang Kaibigan ko ay si Cloey Hernandez kagaya ko 16 years old at 4th year high school.Magkaibigan na kami mula 1st year high school Classmate ko kc siya noon kaya kami nagkakilala.
Ang name ng parents ko ay Si Gabriel Anderson ang Papa Ko at Si Ella Cruz ang mama ko.Hindi Kami mayaman medyo may kaya lang.Ang trabaho ng papa ko ay construction worker at minsan nakngongontrata lang at si mama ay isang sales lady.
Ako ay isang student worker dahil gusto ko ng sariling pera ayaw kong manghingi kina mama dahil nag iipon sila at may binabayaran sa bahay katulad ng tubig at kuryente.
Ang bahay na tinitirhan namin ay dalawang palapag na paman ni lolo na namatay na 5 years ago dahil sa sakit nyang lukimnia.Pagkatapos Kong magbihis ay bumaba na ako.Nakita ko si Cloey nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang cellphone nya.
"Bat nandito ka?"tanong ko agad sa kanya na dahilan upang mapatingin sya sakin.
"Good morning"sabi nya at aba ngumiti pa. "anong maganda sa umaga ko kung mukha mo ang makikita ko?"Tina asan ko sya ng kilay.
"Ang magandang mukha ko na kakaiba"nakangiting sagot nya aba naman ang kapal ng mukha ah.
"San banda?"nakataas ko paring kilay na sabi ko. "Sa bandang meron ako na wala ang iba"proud nyang sabi at ngiting ngiti tlaga.
"Sa bandang meron ka na wala sa iba? bakit ano bang banda ang meron ka?"Tanong ko ulit sa kanya.
"Hmmm"sabi nya na tila nag iisip pa
"Hehehe ewan ko....ikaw naman Gab ang aga aga ang sungit mo"sabi nya na tila nagpapalambing pa inirapan ko lang sya dahil sa akto nya.
"Bakit nga nandito ka?"sabi ko at nag umpisa ng maglakad papuntang kusina. Nagugutom nako naalala ko di pa pala ako nag aalmusal.
Naramdaman ko nman ang pagsunod nya. "Remember mag eenrol tayo tapos bibili pa tayo ng gamit"rinig Kong sabi nya mula sa likod ko.
"Nang ganito ka aga?"sabay tingin sa kanya nakita Kong nakatayo sya sa likod ko habang kinakalikot na naman ang phone nya.
"Yes kailangan maaga kasi nga maghahanap pa tayo ng school na papasukan at bibili pa tayo ng gamit para d tayo gabihin"sabi nya na Hindi parin tumitingin sakin kaya kumuha nalang ako ng tinapay.
"Ang daming school dyan mamimili ka pa at bakit ilang gamit ba bibilhin mo at gagabihin tayo makapagsalita ka akala mo mamimili ng marami" sabi ko habang naglalagay ng palaman at sabay kagat dito napatingin ulit ako sa kanya at aba busy sa makalimot ng phone nya ang gaga.
"Ano bang ginagawa mo kanina ka pa ah"inis Kong sabi sa kanya,kumuha ako ng baso at nagtimpla ng kape
"Naglalaro hehehe ang laki na ng score ko oh"sabi nya sbay tapat sa mukha ko kaya tinabig ko young kamay nya.
"Oh paki ko tinatanong ko?"
"Hehehe sabi ko nga Hindi...Gab penge nman"sabi nya at lumapit na sakin. Kumuha sya ng tinapay at nagpalaman
"Pahingi ako ha?"
"Nagpaalam kapa"pairap Kong sabi natawa sya nalang sya.
-----
"Oh nakabihis kayo. San punta nyo?"rinig Kong sabi ni mama sa likod ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Mag eenrol kasi kami ma. Malapit na kasi yung pasukan eh"sabi ko sabay talikod ulit sa kanya.Umupo na ako sa upuan at nagsimula ng kumain.
"Ganun ba?ito pambili mo ng gamit mo sa school"Kaya napaharap ulit ako Kay mama. Iniabot nya sakin yung pera kaya kunuha ko ito, may pera naman ako kaso baka magkulang kaya pangdagdag narin.
"Thanks Ma,"sabi ko at talikod ulit sa kanya. "Halika na"sabi ko Kay Cloey ng maubos ko yung kape ko at nilagay sa lababo yung mug na ginamit ko.
"Wait lang di pa ubos oh"Turo Nya sa kape nya. "So?"tanong ko sa kanya.
Inirapan nya ako at nakita ko kung pano nya pilit inubos yung kape.
"Aray"sabi nya at pinaypayan pa yung dila nya gamit young kamay nya kaya natawa nalang ako.
"Sino bang matino ang makakaisip na uminom ng kape na parang tubig lang?"natatawa Kong sabi.
Tinignan nya ko ng masama pero tinawanan ko lang sya sabay talikod at naglakad papuntang pinto
"Ikaw kasi eh"sisi nya sakin
"Oh ginawa ko sayo?"maang Kong sagot.
Dati kasi nung di nya naubos yung kape pinabili ko sya ng kapeng barako at pinaubos ko yun sa kanya eh.
Hindi pala sya umiinom nun ayun sumakit yung tyan nagkaLBM pa yata ang gaga. Nagsasayang kasi akala mo maraming pambili.
"Ma,alis na po kami"paalam ko Kay mama. "Geh mag-iingat kayo ha. wag magpapagabi sa pag uwi"sabi ni mama.
"Opo tita bye po"paalam din ni Cloey Kay mama. Nang makalakad na kami naglakad nako papuntang eskinita.
"Hoy!dyan tayo dadaan?diba tayo sasakay?"rinig Kong sabi ni Cloey kaya napatingin ako sa likod ko nakita Kong nakatayo sya sa tapat ng pinto ng bahay namin habang nakatingin sakin.
"Bakit may problema ka?"tanong ko sa kanya habang nakahinto narin.
"Sakay nalang tayo Gab"Sabi nya.
"Libre mo?"tanong ko
"Hindi"sabi nya. tignan mo to sasakay daw kami di nman nya ako iilibre. sayang pamasahe no.
"Hindi naman pala eh kung ayaw mo EDI sumakay ka mag-isa mo"sabay talikod sa kanya at nag umpisa ng maglakad.
"May sinabi bako?sabi ko nga dyan tayo dadaan"rinig Kong sabi nya mayamaya pa naramdaman ko ang pag sbay nya sakin sa pag lalakad.
"San tayo?"tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng eskinita.
"Hmmmm wait....may school daw na malapit dito. try natin dun"sabi nya at nakatingin sa phone nya.
"San nga?"tanong ko ulit
"Dito tayo"nagpatiuna sya sa paglalakad. Sinundan ko nalang sya total wala nman akong idea kung saan kami papunta.
-------
Nandito kami sa macdo ngayon kumakain.Napuntahan na yata namin lahat ng school sa dami ng tinignan naming school. Pano ba naman namimili pa yung gaga.
"Gab,tignan mo dali !!"excited nyang sabi sabay abot ng isang magazine yata Ewan Basta papel.
"Oh ano naman yan?"tanong ko at Hindi ko paring kinukuha yung magazine nya bahala syang mangalay dyan.
"Tignan mo nalang kasi"pagpupumilit nya kaya kinuha ko na at tinignan yung sinasabi nyang tignan ko daw...
hmmm isang pic ng school maganda sya simple lang.
maganda at malaki ang nasasakupan nya kasi malawak Kaso Bakit parang tago?
Napapalibutan kasi sya ng puno kaya medyo creepy pero sa loob Hindi naman.
"Try natin dyan Gab. Mukhang maganda dyan. school palang bongga na",excited nyang sabi at ngiting ngiti pa.
"Pero bakit kaya napapalibutan sya ng puno ayaw ba nilang makita ng iba kung gaano kaganda ang school nila?"Nagtatakang tanong nya.
"Malay ko ako ba may ari nyan?san mo ba kasi nakuha yan?"takang tanong ko.
"Napulot ko lang habang naglalakad tayo"sabi nya sakin kaya napairap nalang ako at tinignan ulit young pic ng school. Bongga nga pero for sure pangmayaman lang to.
Private school yata kasi yung design ng school mukhang gawa ng professional designer tapos may 3 malalaking building pa at may field wow sosyal.
"Di tayo bagay dyan kaya tumigil ka"sabi ko sabay balik sa kanya ng magazine nya.
Napanguso sya sa sinabi ko
"Wag ka ngang ngumuso dyan hilahin ko yan eh" inis Kong sabi sa kanya akala mo bagay di naman.
"Sige na kasi Gab. try lang natin" pangungulit nya.
"Tignan mo oh..ang lapit lang pala nito sa bahay natin di na natin kailangan mamasahe"dagdag nya pa.
"Oo na"nasabi ko nalang dahil pagod na rin ako kanina pa kasi kami palakad lakad di kami sumakay mahal pamasahe.
"Yes,thank you Gab"sabi nya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa school na tinutukoy nya.
Sa bilis namin maglakad nandito na kami malapit sa school. Nakita namin yung guard kaya lumapit na kami
"Excuse me po"magalang na sabi ni Cloey para maagaw namin ang atensyon ng guard.
"Oh bakit mga iha"tanong samin ng guard
"Pwede po bang magtanong kung kumukuha sila ng scholar?"tanong ni Cloey.
"Ewan ko mga iha itanong nyo nalang sa guidance"napapakamot sa kilay nyang sabi.
"San po ba yun?"tanong ulit ni Cloey
"Pag pasok nyo sa loob dumeretso lang kayo. Pag may nakita kayong canteen lumiko kayo pakaliwa, tapos dumeretso ulit kayo pag may nakita kayong building na may kulay blue na gate sa tabi nun yun yung guidance"pagbibigay direction ng guard.
"Ah..salamat po" sabi ni Cloey at yumuko pa. "Walang ano man sige na pasok na kayo"sabay bukas ng gate.
Naglakad na si Cloey papasok kaya sumunod nalang ako.Nag umpisa na kaming maglakad. "Ang ganda dito diba?"sabi ni Cloey habang tinitignan ang bawat building na nadadaanan namin tango lang ang isinagot ko sa kanya dahil maganda talaga sya.
Sa aming paglalakad napansin ko na malayo na ang malalakad namin pero yung canteen di ko pa makita. Sa pagbibigay direction nung guard parang ang lapit lang ang layo pala.
Nagkwentuhan lang kami ni Cloey at napapasin ko may mga teenager na ang nandito. Tinitignan nila kami mula ulo hanggang para at yung tingin nila hindi ko gusto. Maganda nga ang school ang tao kaya mababait ba?sa palagay ko hindi.
Hindi ko na pinansin baka mapaaway pako pagtulungan pa kami kasi di kami taga dito. Sinunod nalang namin yung direction na binigay ni manong guard hanggang sa makarating na kami sa guidance.
Kumatok ng tatlong beses si Cloey bago kami makarinig ng Boses Na nagsabi ng "come in".
Binuksan na namin young pinto at pumasok Sa loob. "Good morning po"bati naming Sa babaeng edad 30's na nakaupo Sa tapat ng table.
"Good Morning too ,have a sit"tukoy nito Sa sofa Sa harap ng table nya.
"Thank You po"sabi naming pag kaupo naming Sa sofa.
"What can I do for the both of you?"tanong nito samin.
"Can we ask first ma'am?"Tanong ko.
"What is it?"tanong nito ulit
"Ano po Ba to ma'am private po o public?"Curious Kong tanong nagpatawa lang sya ng mahina na naging dahilan ng pagkakunot ng noo ko may 'may nasabi Ba Kong nakakatawa?'tanong ko Sa isip ko.
"Hmmm Hija Ewan ko kung alin dun dahil tumatanggap kami mahirap man o mayaman"sagot nya kaya nagkatinginan kami ni Cloey 'may ganun Ba?'anong school ba to kakaiba ah?
"Ano pong name ng school nato ma'am??"Tanong ni Cloey.
Napatingin sa kanya si??ano nga name nya?tumingin ako sa table nya may parang malapit na pahabang kahoy n may nkaukit dun name nya siguro kasi ang nakalagay Mrs.Teresa Santiago tama yun nga .
"Dark Hiroshima Academy"Seryosong sabi nya. nagkatinginan kami in Cloey kasi iba pakiramdam ko sa name di ko maipaliwanag kung ano Parang misteryo.
Nag-enrol na kami ni Cloey dahil pagod nako hapon na bibili pa kami ng gamit sa school Baka gabihin kami tumayo na ko.
"Una na po kami Ma'am Santiago salamat po"sabi ko at nagbaw pa hehehe wala lang nakikigaya lang sa Korea trip ko nakita ko ang panlalaki ng mata ni Cloey kanya napakunot ang noo Kong nakatingin sa kanya na paranag sinasabing bakit?
"Pano mo nalaman name nya eh d nman nya binanggit kanina?"Gulat nyang tanong. ah yun lang pala tinuro ko nalang yung table ni ma'am na
May nakalagay na name nya kanya napatango tango sya.
"Ma'am TereSa Santiago po pala name nyo?"sabi nya kanya binatukan ko wala lang nainis lang ako obvious na kasi eh diba.
"Aray !naman Gab"Sabi nya habang hinihimas yung parte ng ulo nya na binatukan ko.
"Tumigil ka nga halika na"sabi ko sabay talikod sa kanya. Pumunta nako sa may pinto ng buksan ko ang pinto may anim na lalaki ang nakatayo sa labas nun well nakasabayan ko sya sa pag bukas hawak ng isa yung doorknob yung nasa unahan nila kaya napatingin ako sa kanya. nakatingin din sya sakin kaso expressionless si kuya ng bigla ko nalang marinig ang pag papaalam ni Cloey Kay ma'am dun ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako kay kuya kaya tumingin ako sa likod ko kung nasaan si Cloey na papunta palang sa tabi ko.
"Wala kabang balak umalis dyan?"rinig kong sabi ng isang Bose's kaya napatingin ulit ako sa kanila lahat sila nakatingin sakin 'when pahiya ako ah. Sa inis ko hinila ko si Cloey at dumaan kami sa gilid nila nabangga ko pa nga si kuyang nasa unahan pero who cares hanggang sa nakalabas na kami dun Hindi nako lumingon huhuhu may itsura sana kaso mukhang masusungit.
"Kyaaaaahhhhh"Biglang tili ni Cloey kaya napatakip ako ng tenga sabay batok sa kanya.
"Ang ingay mo problema mo?"inis Kong sabi grave basag ear drums ko
"Kasi naman Gab ang Gwapo nila"kinikilig nyang sabi
"Gwapo San banda?Malabo na yata mata mo patingin mo na"asar kong sabi at nauna na Kong maglakad papunta sa gate sumabay naman sya.
"Bakit Gab Hindi ba?siguro nga Malabo na papatingin nalang ako"simangot nyang sabi 'uto uto talaga tong bruhang to'napailing iling nalang ako sa kagagahan nya.
---
Nandito kami sa bilihan ng school supplies. Nakabili nako ng jansport na bag na kulay itim at ibang gamit sa school. Si Cloey ayun namimili pa ng gamit tulad ng Notebook na may design yung sinusulatan niya. Pagkatapos naming mamili umuwi na kami.
Pag uwi ko sa bahay nadatnan ko si mama sa kusina nagluluto. Gabi na kasi kami nakauwi kasi naggala pa kami nung galing kami sa school bago kami dumeretso sa school supplies.
Nakatalikod si mama mula sakin kaya Hindi nya ako napansin na nandito nako. Papunta ako sa likuran nya. Niyakap at hinalikan ko sya sa pisngi na ikinagulat nya kaya natawa ako hahampasin sana nya ako ng sandok na hawak nya pero iniwas ko ulo ko habang tumatawa.
"Anong ka ba namang bata ka!?Wag ka ngang manggugulat ng ganun...pano nalang kung maysakit ako sa puso?...EDI inatake na ko dito"sermon nya sakin kaya niyakap ko nalang sya ng mahigpit.
"Bakit ma,...maysakit ka ba sa puso?"malambing Kong tanong.
"Pano nga kung meron?"balik tanong nya sakin.
"Dadalhin kita sa hospital alangan namang panoorin lang kita habang inaatake ka na dyan"sagot ko sa kanya.
"Ewan ko sayong bata ka,...oh luto na kain kana"sabi nya kaya bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya
"Eh!?..ikaw ma Hindi ka kakain?tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo?Hindi mo ba ko papakainin ako nagluto tapos Hindi ako kakain"sabi nya habang nagsasandok ng kanin.
"Eh sabi mo kasi 'kain kana'?"paliwanag ko
Hindi nya ko pinansin kundi nagtimpla nalang ng juice
"Ito naman si mama Hindi mabiro....halika na ma Sabay tayo"malambing Kong sabi sa kanya.
"Loka kang bata ka kumain ka na nga"umupo na kmi at nagpray bago kumain. "Nabili mo na ba ang kailangan mo?wala bang kulang?"tanong ni mama.
"Yup,"sabi ko sabay subo
"Pupunta ako sa palengke bukas may ipapabili ka ba?tanong nya umiling naman ako
"Wala ma binili ko na kanina"sabay subo ulit.
"Ganun ba?"tatango tangong sabi nya.
Nagpatuloy nalang kaming kumain
"Syanga pala ma si papa musta?hindi ba sya bibisita dito?tanong ko.
"Ahh...yung papa mo?busy sya may bago syang kontrata "may tonong hindi siguradong sabi nya kaya napakunot noo ako pero di nalang ako nagsalita.
Parang may kakaiba nito mga nakaraang linggo lang kagaya ngayon.
Nakabihis si mama na pang alis wala syang suot na alahas ngayon. Dati lagi syang may suot na abubot yung alahas ba tapos yung ngiti nya..makikita mo naman sa tao kung masaya sya o malungkog kahit nakangiti diba?at may napapansin din ako na parang may nawawala dito sa bahay hindi ko lang matukoy kung ano?
Kinabukasan, nandito ako sa kwarto nang sumigaw si mama.
"Anak. May sulat ka?"rinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Sulat?kanino daw po ba galing?"tanong ko.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader. Nakaupo kasi ako sa kama at nagbabasa ng libro. "Galing daw sa Dark Horoshima school. Dun kaba nag enrol anak?"tanong ni mama ng pagbuksan ko sya ng pinto.
"Opo ma malapit lang kasi dito at kumpleto sa mga gamit malaki kasi ang facilities"sagot ko at kinuha ko na sa kanya ang sobre.
"Sige ma thank you"sabay kiss sa pisngi nya. Hinintay ko muna syang makaalis sa harap ko bago ko saraduhin ang pinto.
Naglakad ako pabalik sa kama at umupo habang binubuksan ko ang sobre. Nang mabuksan ko ang sobre kumunot ang noo ko kasi kulay black ang papel pero kulay puti ang sulat.
'aba malamang puti pag itim ba mababasa ko?ano bayan kinakausap ko sarili ko.
'Dear Miss Gabriella Anderson.
You are now a student of Dark Horoshima Academy (DHA)we are looking for the future.We want you to be cooperate to make You stay here longer in DHA. We forget to tell you That this school is a dorm school before you go here ready your things and no back out because you are already enroll once you enter you cant go out.
Thank you for enrolling
Mrs.Katarina kasuke
Ano daw?no back out?parang sa pagtitinda noh?minsan pagnabili mo na bawal ng ibalik ano bang tawag dun..?ah basta yun na yun.
Sa totoo lang ang weird nila bakit naman bawal kung dorm yun kailan pwede umuwi?kami lang ni mama dito sa bahay tapos mag dodorm pako?eh sino na kasama ni mama ko?
"Ella di ka pa ba bababa dyan?kakain na tayo!"rinig kong boses ni mama
Nagising tuloy ako sa pag-iisip ko
"Ito na lalabas na"sabay tupi ng papel at binalik sa sobre at nilagay ko sa drower ko.
"Ma ako na dyan"sabay kuha ng plato at kutsara na hawak nya.
Inilapag ko na ito sa mesa at nagsandok ng kanin sa isang malaking mangkok at nilagay din sa mesa si mama naman sa ulam.
Nang makaupo na kami pinagsaklop ko ang kamay ko at pumikit.
"Sa pangalan ng ama na aming Dios kami po'y nagpapasalamat dahil kami ay pinigyan nyo ng makakain sa araw na ito ,kami ay nakaraos sa aming pang araw araw nagpapasalamat po kami sa iyong mga biyaya na iyong kaloob Huwag nyo po sana kaming pabayaan .Maraming salamat po
Amen"dumilat na ako at nagkatinginan kami ni mama.
"Kain na tayo baka lumamig"sabay ngiti sa kanya. Ngumiti rin sya at nagsimula na kaming kumain
"El,anong laman ng sulat?"Biglang tanong ni mama.
Napatigil naman ako sa pagkuya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sakin na parang nag aabang.
Uminom naman ako ng tubig at nag isip kung sasabihin koba?wag nalang kaya? "Wala naman yun ma,hindi naman importante"sabay iwas ng tingin.
"Talaga?galing school yun diba?panong hindi importante?"Napatingin ulit ako sa kanya at na huli ko ang mata nyang nakatingin sakin na parang di na niniwala
"Wala nga yun ma,ang kulit mo naman kumain ka nalang kaya"iwas ko ulit.
"Bakit tungkol ba sa pera?may kailangan kabang bilhin o bayaran?gagawan natin yan ng paraan"napatigil ako sa pagsubo at binaba nalang ung isusubo ko sana.
"Ma wala nga,hindi yun tungkol sa pera"nakatingin lang ako sa plato ko.
"Eh ano nga hindi ako naniniwalang wala"rinig kong sabi nya.
Ramdam ko ang tingin nya sakin napahigpit ang kapit ko sa kutsara.Wala akong planong sabihin sa kanya kasi wala akong balak na iwan ang mama ko.
"May hindi ka ba sinasabi sakin?"mahinahong tanong nya.
Napakagat ako ng labi ko pero nakayuko parin ako.
"Gabriella"matigas na tawag nya sa pangalan ko kapag tinawag nya ako dyan it means naiinis na sya sakin.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya
"Ma,"sabay yuko ulit
"Dorm school daw yun kailangan pag pasok ko sa first day may dala akong gamit ,Hindi sinabi kung kailan pwedeng umuwi"dugtong ko.
"Yun lang?"rinig kong tanong nya kaya napaangat ang ulo ko at kunot noong tinignan sya.
"Anong yun lang?ma naman, bawal umuwi naiintindihan mo ba?ibig sabihin hindi na tayo magkasama"inis na sabi ko.
"Gaga,ang oa mo malay mo nakalimutan lang nilang sabihin baka naman pwedeng umuwi tuwing weekend"sabay subo nya
"Pano kung hindi?iniisip ko nga na kapag hindi pwedeng umuwi wala ka ng kasama,wala ng tutulong sayo,wala ka ng maganda,sweet na anak"pagdadrama ko sa kanya.
"Maganda ka ba?san banda?"inosenteng tanong nya
"Sa bandang meron ako na wala ka"proud na sabi ko sabay tawa
"Pano ba yan nanay moko...sa akin galing ang bandang meron ka"nakangising sabi nya.
"Nanay?diba lola yun?" Inosenteng tanong ko sabay tingin sakanya
"Nanay means ina"masungit na sabi nya sabay irap sakin kaya natawa ako
"Ina pala un,nanay kasi ang tawag ngayon ng mga kabataan sa mga lola nila"kunyaring paliwanag ko siningkatan nya ako ng mata kaya natawa ulit ako pero pinigil ko na baka mamaya magalit na yan eh.Nagpatuloy na ako sa pagsubo
"Kailan ba pasukan nyo?"biglang tanong nya.
"This Monday why?"tanong ko sabay subo ng pang huling subo and tadan im done
"Ano ba ngayon?"tanong nya ulit napatingin ako sa kanya sabay tingin sa kisame
"Wenesday"balik kong tingin sa kanya
"4 days na lang pala"tumatangong sabi nya.
"Ma mag eenroll ako sa ibang school bukas"sabay tayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan
"Hah?bakit naman?sabi mo kompleto sa kagamitan tapos malaki pa ang facilities tapos maghahanap ka pa ng iba?"napahinto ako panandalian tapos naghugas ng kamay.
"Wag mong sabihin dahil lang sa dorm school yun?opportunity na ang lumalapit sayo"humarap ako sa kanya at nag cross arms.
"Ayoko,i dont want to lose you,i want to see you always strong and a live.I want to take care of you,when i wake up and open my eyes,i want you there ,iwant to see you first before anything else Because that's how much i love you" naiiyak ngunit pinipigilan kong sabi.
Natigilan naman sya at napayuko
"May babayaran ba dun?libre ba lahat?"nakayuko nya paring sabi
"Ma!"sa inis ko napalakas na yung boses ko
"Libre ba?"tanong nya ulit
Hindi ako sumagot
"Then,pack your things"sabay pinagpatuloy ang pagkain.
"Ma"nagmamakaawang sabi ko
"Malaki ka na,ayaw kong masanay ka na lagi mokong kasama...pano kung magkahiwalay tayo tulad nyan mahihirapan kang mag adjust.
Gusto kong matuto ka na tumayo sa sarili mong paa at ayaw kong lagi mo akong inuuna. Ggusto ko unahin mo sarili mo, kaya ko ang sarili ko.
Nagtatrabaho ka nga pero hindi mo nabibili ang mga bagay na gusto mo. kailan ka ba nakabili ng bagay na gusto mo na kahit di kailangan?Sapat naman ang pera natin nakakain naman tayo kailan kaba nanghingi ng pera o nagpabili?"sabay tingin sakin
"Ok na ako sa bagay na meron ako ma, hindi ko kailangan ng anuman ,nabubuhay ako kahit wala yun"sagot ko naman.
"Masyado mong tinitipid ang sarili mo"nakatingin na sabi nya
"Mas maganda nga yun para kinabukasan may pagkukuhanan ka pa"agad na sabi ko
"Naiintindihan mo ba ako?" Tanong nya
"Naiintindihan ko ma ,pero lahat ng bagay may panahon,saka na ako bibili pag nakaluwagluwag at may sariling pera na ako"sabay lapit sa kanya at kinuha ang plato nya kasi tapos na sya.
"Kapag pumasok ka dun at nakapagtapos.."nakatingala sya sakiin dahil nakaupo sya at nakatayo ako sa harap nya.
"Nandyan na naman tayo"putol ko
"Mukhang magandang school yun kapag nakapagtapos ka dun...."
"Pano mo nasabing maganda yun ma?"putol ko ulit
"Kanina ko pa napapansin na pinuputol mo ang mga sinasabi ko,kailan ka pa na tuto nyan?"pagalit nasabi nya.
"Ngayon lang"sabi ko sabay talikod at naglakad papunta sa lababo
"At ngayon tinatalikuran mo na ako eh kinakausap pa kita"rinig kong sabi nya. Naparoll eyes ako at humarap ulit sa kanya at di nalang nagsalita baka humaba pa.
"Gusto kong mag aral ka dun.."sabay tayo nya
"MA!"inis na sabi ko
"Patapusin mo ako"striktong sabi nya kaya tumahimik nalang ako
"Naiintindihan ko ang side mo pero gusto ko respetuhin mo ang desisyun ko para din ito sa ikabubuti mo"sabay lapit sakin at hawak sa magkabilang balikat ko.
"El,mahal kita ikaw ang kayamanan ko, mawala na ang lahat sakin wag lang ikaw alam mo un diba?"mahinahong sabi nya
Naiiyak ako at hindi ko maintindihan kung bakit parang ang weird nya ngayon ,ang alam ko lahat ng gusto ko sinusuportahan nya ngayon lang ata kami nagtalo.
"Para sakin Ella,kahit parang saakin nalang hmmm?"naiiyak narin na sabi nya
"Pero ma..."naiiyak na sabi korin
"Alam mo ba?na iinis ako minsan kasi mas matured kang mag isip kesa sakin. Na mas oa ka kesa sakin kapag ako na pinag uusapan, nasa school ka nagtetest kahit nadulas lang ako o kaya nauntog umuuwi ka kagad para lang e-check kung ok lang ako tapos ikaw kapag masama pakiramdam mo hindi mo sinasabi sakin at umaarte na parang wala lang. Hindi mo iniisip ang sarili mo"nakatitig na sabi nya.
"Kaya ngayon gusto ko isipin mo muna ang sarili mo,Gusto ko dun ka mag aral gusto ko maging independent ka kaya mo bang gawin yun para sakin?" Tumango nalang ako. Ngumiti naman sya at niyakap ako.
"Cge na mag asikaso kana para wala ka ng gagawin kapag pasukan na"nakangiting sabi nya ng maghiwalay kami sa pagyayakapan.
tutuloy...
Disclaimer
☜☆☞
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidents.