SOFIA POV Pauwe na kami galing sa special date namin ni June, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na Ito, sa dami ng date namin ni Jake noon, eto lang ang date na pinakamahalaga at special sa Akin. "Antok ka na?" Tanong niya habang nagda-drive. "Not really mayroon konting tama lang ng alak" Sagot ko naman. Namayani ulit ang katahimikan sa amin, ewan ko ba bakit naglo-lost for words na ako bigla kay June, pero nang magsasalita na ako saka naman siya nagsalita. "Ahmm may sasabihin sana ako sa iyo about Jake and that Girl, it was 8 or 7 months ago ata, I saw Jake with her, kaya lang ayoko naman magisip ng masama,I thoughts friends lang sila" Sabi niya na ikinagulat ko. "Why you did not tell me?" Tanong ko. "I dont know, ayokong mag -jump in to conclusion at masaktan ka"

