Briar "You're. . .you're pregnant Honey?" Walang pasidhan ang labis na pagkatuwa si Nikos nang ipakita ko sa kaniya ang pregnancy test ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinitigan na tila inaanrok kung ako ba ay nagsasabi ng totoo sa kaniya. Magkasunod sunod akong tumango. Muli kong tinaas sa kaniya ang pregnancy test na mayroon namang patunay na ako nga ay buntis. "Yes, I am four weeks pregnant!" Napatili ako nang bigla niya akong buhatin at nagsisigaw siya sa tuwa. Mahina akong tumawa. "Yes, you will be a father soon, Honey." "Yehey! Oh my god! I will be a father soon!" Napasigaw siya sa labis na pagkatuwa. Masayang masaya rin akong makita ang asawa kong naiiyak sa tuwa dahil magkakaanak na kami. Matagal niya itong pinagdadasal. Mahigit anim na buwan namin iton

