Briar
Mainit ang ulo ko simula kahapon dahil hindi ko siya malapitan. Sa tuwing nakikita ko siyang naglilinis sa pool namin ay sinusubukan ko siyang lapitan ngunit biglang lalabas si Yaya kaya natitigilan ako sa paglapit. Nakakapisti! Hindi na rin niya ako kinakausap o tatapunan ng tingin sa tuwing may taong nakakakita sa amin.
Naguguluhan ako. Iniiwasan ba niya ako o nahihiya sa akin?
Hinilot ko ang sentido at mahinang nagmura. Inabot ko ang intercom telephone at tinawag ang secretary ko.
"Bring me black coffee, now."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko kaagad ang telephone.
Hindi nagtagal ay pumasok ang secretary ko, bakas sa kaniyang mukha ang pagmamadali.
"Here's your black coffee, Ma'am."
Hindi ko siya tiningnan at pinagpatuloy ang pag-sign ng mga papeles.
"Leave it." Bumuntong-hininga ako. "And out." Dagdag ko.
Hindi na siya nagsalita at mabilis itong lumabas. Sigurado akong pag-usapan na naman nila sa accounting department itong pagtataray ko. Well, sanay na akong pag-usapan patalikod lalo na at wala akong ka-close na employees rito.
Inubos ko ang kape at muling humingi. I can't control my temper, kahit anong gawin ko ay mainit pa rin ang aking ulo.
Hindi ko alam ang kaniyang numero kaya hindi ko siya matawagan o mapadalhan ng mensahe. Nahihiya naman ako magtanong kay Yaya baka kung anong isipin niya.
"Ano ba naman 'to, hindi man lang pumasok sa isip ko na kunin ang number niya noong may pagkakataon." bulong ko.
Muli akong napailing. Kailangan ko ng mag-focus sa trabaho dahil next week na ang kasal ni Alexa. Busy na ako sa paghahanda sa nalalapit niyang kasal.
Pagkatapos ko sa trabaho ay binisita ko ang venue, maganda itong napili kong hotel ng isa sa mga nalalapit naming kaibigan.
Malawak ang spasyo. Kasya na dito ang hundred person's visitor. Ang sabi ni Alexa ay walang masyadong bisita, pamilya lang at mga kasosyo sa negosyo.
Okay, nagawa ko na ang hiling niya. Ang mga gusto niyang design sa venue at pati susuotin ng kaniyang mga abay. Nakaramdam ako ng inggit nang makita ang Traje de boda ni Alexa. Ang ganda at bongga! Ito yata ang pinakabonggang kasal na mapupuntahan ko.
Sumapit ang kasal ni Alexa. Hindi pa rin kami nagkaroon ng pagkakataon ni Nikos para makapag-usap. Sinubukan ko siyang yayain na um-attend ng wedding ngunit agad itong tumanggi. Hindi ako makapagsalita dahil nasa harapan kami ni Yaya Liza. Hindi raw siya nababagay sa ganitong mga okasyon. Isa lang siyang tauhan sa bahay at walang karapatan na dumalo sa mga engranding kasal na hindi naman niya kapamilya. Napahiya ako sa kaniyang sagot. Sumakit ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay nilalayuan niya ako.
Nagkagulo sa venue nang itigil ni Alexa ang kasal. Pati ako ay nagulat. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit ayaw na niyang magpakasal sa kaniyang pinakamamahal na si Jersey?
Naging laman na naman kami ng balita dahil sa ginawa ni Alexa. Pero mas nagulat ako nang malamang nagtaksil si Jersey kaya naudlot ang kasal nila.
Shit! Heto na nga, kaya ako natatakot sa commitment dahil walang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Kahit gaano pa kayo katagal. Kahit mahal niyo pa ang isa't isa kun'di kayo ang nakatadhana ay maghihiwalay at maghihiwalay pa rin kayo.
Nasayang ang pagod ko. Nasayang ang malaking halaga na ginastos nila sa venue. Hay buhay nga naman!
"Hindi talaga ako makapaniwala, Ma'am. Biruin mo first love nila ang isa't isa." Napailing si Yaya Liz. Hanggang ngayon ay isa rin sa truma dahil sa nangyari kahapon.
"Ako rin, Yaya. Kung kailan sila magpapakasal ay saka sila nagkaproblema ni Jersey."
"Sigurado akong may malalim na dahilan kaya hindi natuloy ang kanilang kasal."
Tumahimik ako. Hindi pa alam ni Yaya Liza na nagluko si Jersey.
"May sarili na silang pag-iisip, they know what to do," mahina kong sabi.
Tumango si Yaya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Nagpaalam ako sa kaniya na lalabas ng garden. Nagkakahaba pa ang aking leeg nang nasa tapat na ako ng kaniyang male's quarter.
Nasaan kaya siya?
Nilikod ko ang kamay at sumilip. Wala akong naririnig na kaluskos kaya baka wala siya rito sa loob. Malalim akong bumuntong-hininga.
"May kailangan po kayo, Ma'am?"
Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin nang magsalita siya mula sa aking likuran.
Mabilis akong napalingon sabay hawak sa tapat ng dibdib.
"Oh my god! You frightened me! Saan kaba nanggaling?" Pumikit ako at muling humugot ng malalim na hininga.
Luminga-linga siya sa paligid namin at hindi ako sinagot. Nang walang makitang tao ay mabilis niya akong tinulak papasok sa kaniyang kwarto.
Napasinghap ako nang isandal ako ni Nikos sa dingding at kinuyumos ng halik. Dilat na dilat ang aking mga mata sa pagkagulat mula sa mabangis niyang pagsalakay.
Hinihigop niya ang buong bibig ko at uhaw na uhaw kung humalik. Nang palayain niya ang labi ko ay magkasunod-sunod akong huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay mapupugto ang aking hininga mula sa ginawa niya.
Dinikit niya ang mukha sa mukha ko. "I miss you so much!" Muli niyang kinulong ang aking mga panga sa palad niya at hinalikan ako ulit. Dahil miss ko rin siya ay kusang yumakap ang mga kamay ko sa baywang niya at sinagot ang kaniyang halik.
Matagal naglapat ang mga labi namin. Titigil lang kami kapag sasagap ng hangin pagkatapos ay muling maghahalikan.
"I miss you, honey. I miss you."
Napangiti ako nang pugpugin niya ng halik ang buong mukha ko. Bumaba iyon sa aking leeg, balikat at cleavage.
"Hindi ako makatulog sa kaiisip sa iyo. Hindi rin ako makakain dahil namimiss kita palagi."
Umawang ang labi ko. Tumalon itong puso ko sa tuwa nang marinig ang kaniyang salita. Hindi lang pala ako ang nangungulila sa kaniya. Hindi lang pala ako ang nakakamiss sa ginagawa namin. Mas malala pala siya kung babasehan ang kaniyang itsura ngayon.
Tinaas ko ang palad at hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Akala ko, wala lang sa iyo kung anong namagitan sa atin." mahina kong salita.
Malakas siyang lumunok. Muling nilapit ang mukha sa akin at dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko.
"Huwag mong sabihin iyan. Lahat ay mahalaga sa akin. Hindi mo lang alam kung gaano ako nababaliw dahil hindi kita malapitan."
Nag-init itong puso ko. Muli ko siyang nginitian at sinuklay ang kaniyang buhok.
"I miss you too, Nikos."
Muli niyang inangkin ang labi ko sa mapusok na paraan. Naglakbay ang mga kamay niya sa aking katawan habang hinahalikan niya ako. Ang sarap! Nakakawala sa sarili sa tuwing pinapaligaya ako ni Nikos.
Nang akma niyang bubuksan ang zipper ng short ko ay bigla naming narinig ang boses ni Yaya. Tinatawag niya ako.
Tinulak ko si Nikos at hindi ko malalam ang gagawin. Hinawakan ako ni Nikos sa kamay at pinakalma.
"Calm down."
"Paano kapag nakita niya tayo?" pabulong kong tanong.
Bumulong siya pabalik. "Hindi niya malalam kung hindi ka magpapakita. Dito ka lang."
Malakas akong napalunok. Muli niya akong tiningnan bago lumabas ng kwarto niya at sinabihan si Yaya.
"Nick, nakita mo ba si Ma'am?" rinig kong tanong ni Yaya.
"Wala po, baka nasa loob," sagot niya. Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilang tumawa. Magaling magsinungaling.
"Sige, salamat. Nagluto ako ng ulam hahatiran kita mamaya ha." Ulit ni Yaya.
Hindi ko na narinig na sumagot si Nikos. Hindi nagtagal ay bumalik ito sa loob.
I chuckled. "Liar."
Napatingin siya sa akin. "What?"
"Sinungaling. Hindi raw ako nakita?"
Ngumisi siya. Nilapitan ako at binulungan.
"Kailangan mo ng umalis bago pa tayo mahuli. I will see you tonight, don't lock your room, honey."
Nanindig ang balahibo ko nang mainit siyang bumulong. Napalunok ako sabay kagat ng ibabang labi.
Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Naabutan ko si Yaya na kanina pa ako hinahanap.
"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap."
Nginitian ko siya.
"Nasa gate ako kanina. May inaayos akong tanim." Tinalikuran ko na siya at pumasok sa kusina. Alam kong kumunot ang kaniyang noo at sinusundan ako ng tingin. I did not mind her.
Kumain ako ng hapunan pagkatapos ay umakyat na sa taas. Panay dungaw ko sa bintana hanggang sa dumilim ang paligid. Excited ako nang hindi ko maintindihan.
Totoo kaya ang kaniyang sinabi kanina?
Napailing ako. Totoo man o hindi ay kailangan ko na sigurong pumasok sa banyo para maligo. Pasado alas otso na ng gabi nang maisipan kong umahon sa bathtub.
Inabot ko ang tuwalya at tinuyo ang katawan. Matagal ko pang tinitigan ang sarili sa harapan ng salamin bago ko naisipang lumabas ng banyo.
Nagulat ako nang makita si Nikos. Nakaupo sa edge ng kama ko at tila naghihintay sa akin. Tumingin ako sa pinto, sarado iyon kaya binalik ko ang mga mata sa kaniya.
Tumayo siya at nilapitan ako. Kinakabahan ako na may kasamang excitement.
Tinanggal niya ang tuwalya sa aking buhok at inamoy ang hibla. Malakas na dumagundong ang dibdib ko. Lumulukso itong puso ko sa tuwa. Sabik na sabik ako sa kaniya.
Nang hawakan niya ang dulo ng tuwalya na nakabalot sa akin ay agad ko siyang pinigilan.
"Nikos, the door."
He licked his lips.
"It's closed, honey."
Muli akong napalunok nang tanggalin niya ang tuwalya sa aking katawan at tinapon iyon sa sahig.
"Hindi na ako makapaghintay ng matagal. Kailangan kita, Briar Rose."
Mabilis niya akong binuhat at dinala sa kama. Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at lumuhod siya sa aking tapat.
Mabilis kong tinakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay nang bumaba ang labi ni Nikos sa p********e ko.