Alexandria POV Pagdating namin sa bahay ay nandoon na sina mommy. Sinalubong ako ng yakap ni mommy pagkababa ko ng sasakya. "Mom, kayo na po muna ang bahala kay Alex, kailangan ko pong kausapin sina attorney para po sa kasong isasampa namin sa mga Santillan.. Sabi ni King. Tumango naman si mommy at inalalayan na ako papasok ng bahay. Agad rin naman umali si King para kausapin sina Phoenix at mga abogado namin. "Oh my God are you okay anak? Hera texted me na sinugod ka ng bruhang mag ina na iyon. At kumalat pa ang video ninyo 6 years ago." Nagaalalang sabi ni mommy. "I'm okay mommy. Ready naman po ako na harapin ang issue tungkol doon dahil pareho naman po kaming biktima ni King doon." Sagot ko kay mommy. "Ano bang pinuputok ng butsi ng mag inang iyon at hanggang ngayon ay ayaw kang ti

