Phoenix POV Pagkatapos ng flight ko mula Paris France ay dumiretso ako sa penthouse ko para magbihis. Bukod sa pagiging CEO ng Airline business ng aking pamilya at ng sarili kong Agency, isa rin akong Piloto. Lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan ay ako ang piloto ng eroplano g sinakyan ni Hera pabalik dito sa Pilipinas at wala akong balak na sabihin iyon sa kanila. Ang alam nila ay busy ako sa trabaho sa aking opisina. Well busy naman talaga ako sa office pero may mga araw pa din na may flight schedule ako. Para hindi makahalata ang mga kaibigan ko bukod kay King na alam ang mga ginagawa ko lalo pa at tungkol kay Hera ay sumama akong magpunta sa office ni King. Alam ni King na matagal ko ng gusto si Hera at alam din nya ang mga pinag gagawa ko sa loob ng limang taon na nasa Paris si

