Nagpalipat lipat lang ako ng tingin between Kuya Drake and Gianna. Napaatras ako. “Why.. Why are you two here?” Sa wakas ay nakapag salita ako. “I-It's not what you think, hindi kami sabay-” “It doesn't matter. I'm here to get you home, Elise.” Agad na putol ni Kuya sa sasabihin ni Nana. Nakita ko kung gaano mabilis na tinikom ng babae ang bibig nya when Kuya Drake spoke. Sa akin na nakatingin si Kuya. “Pero kuya..” “Drake, pinaalam ko naman sya sa Daddy nyo. He knows I'm with Elise. Sinundo ko sya sa inyo.” Malumanay na paliwanang ni Jensen. Tiningala ko sya. Jensen looked relaxed, pero halata sa pagsasalita nya na nag iingat sya. “It doesn't matter. I'll bring Elise home.” Matigas pa rin na sabi ni Kuya. Napalunok ako. Damn. Ayoko gumawa ng eksena dito. May ilan na ang napapatin

