SI GARETH ang bisitang hindi niya inaasahan. Guguluhin na naman ba siya nito?
"What are you doing here?" Kinabahang tanong ni Sam sa lalaki at wala sa loob na napatingin sa anak na abala sa pagkain.
"Let's talk, Samantha." -Gareth
Bakit pakiramdam ni Sam ay isang utos iyon at hindi pakiusap? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito.
"Sa labas tayo mag-usap. Huwag dito," matigas niyang sabi kay Gareth. Ayaw niya kasing marinig ni Graciella ang kung ano mang pag-uusapan nila ng lalaki. Tiyak kasi na hindi maganda sa pandinig na naman ang idudulog nito.
"Let's talk here." Matigas ring pahayag ni Gareth na ikinairita ni Sam. Bahagya pa itong lumapit sa table niya habang nakapamulsa.
Napapikit nang mariin si Sam upang pigilin ang inis na nais nang umalagpos.
"Who is she?"
Biglang napatingin si Sam kay Gareth na ngayon ay malayang pinagmamasdan si Graciella na inosente namang nakatingin dito. Si Martina ay tahimik lamang na nagmamasid. Kita niya ang pagkatigil ni Gareth at titig na titig lamang kay Graciella.
"She's my daughter," mahinang sagot niya kay Gareth na biglang napatingin sa kaniya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagkabigla nito. Pero sa hindi maintindihan ni Sam, biglang dumilim ang anyo ni Gareth.
"Martina, lumabas muna kayo ni Gracie, please," utos niya sa kaniyang sekretarya na agad namang tumalima. Kinarga nito ang bata at lumabas.
"Anong pag-uusapan natin?" Baling niya kay Gareth.
Pauyam na tumawa si Gareth. "So, she's the result of your affair with..." Hindi nito tinuloy ang nais sabihin.
Nangunot ang noo ni Sam, hindi kasi niya maunawaan ang nais ipunto ng kausap.
"Affair? What? Bakit hindi mo ituloy ang gusto mong sabihin? C'mon." Nais niyang maliwanagan sa mga sinasabi nito na pahapyaw palagi.
Kita niya ang muling pagtawa nito ng pauyam na tila may emosyong pinipigilang makawala.
"Did you consider my offer?" Pag-iiba nito sa usapan.
Tumayo si Sam mula sa pagkakaupo at pinagkrus ang dalawang braso sa kaniyang harapan at pinatigas ang ekspresyon ng maamong mukha. "Kung magpapakasal ba ako sa'yo, akin pa rin ba ang kompanyang 'to?"
"Yes."
Natigilan si Sam. Ibig sabihin nun, siya pa rin ang magmmanage at walang mga tao niya ang maaalis ang trabaho. One of the reason kaya ayaw niyang i-give up ang kompanya ay ang mga taong umaasa rito, mga taong matagal ng naninilbihan sa kanila at buhay na ang pagtatrabaho sa kompanya nila.
"B-bakit ba gusto mo akong pakasalan?" Wala sa loob na naitanong ni Sam sa kaharap.
Sumeryoso ang mukha ni Gareth at naglakad palapit sa kaniya. Isang dipa na lamang ang layo nila sa isa't isa nang tumigil ito sa harapan niya. Napatingala siya dahil sa tangkad nito at nagtama ang kanilang mga mata.
"Gusto mong malaman kung bakit?"
Marahang napatango si Sam. Samyong-samyo niya ang lalaking-lalaking amoy ni Gareth na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa kaniyang pakiramdam. Nais tuloy niyang mainis sa sarili.
"Malalaman mo ang dahilan, kapag kasal na tayo..." Makahulugang pahayag ni Gareth na hindi pinuputol ang magkaugpong nilang mga mata.
Kahit anong titig ni Sam sa mga mata nito ay malamig pa rin ang nakikita niya. Walang pakiramdam.
"Give me enough time, Gareth..."
"I'll give you two weeks."
"S-sige," tila nahihipnotismong turan niya sa lalaki.
Hindi maintindihan ni Sam kung bakit hindi niya makuhang magalit sa lalaking 'to? Bakit tila kilalang-kilala ng puso niya ang kaharap? Bakit nakakaramdam siya ng kakaibang emosyon sa tuwing nakikita at napapalapit siya rito? Siguro nga ay malaki ang naging bahagi ni Gareth sa kaniyang nakaraan. Nais niya iyong malaman at maalala.
"Come with me, later this night," bigla ay turan ni Gareth sa bahagyang katahimikang namagitan sa kanila.
"Saan?"
Hindi sumagot agad si Gareth, bagkus ay ibinaba nito ang mukha sa kaniya na halos mag-ugpong na ang kanilang mga labi. Hindi mapigilan ni Sam na mapalunok nang mapansin ang mapupulang labi ni Gareth na nakatikwas ng bahagya ang gilid, dahil sa pinipigilang ngisi. A devil smirk na lagi nitong ginagawa.
"Malalaman mo rin. Will pick you up at 6:30," anito habang magkalapit pa rin ang kanilang mga mukha, kaya tumatama kay Sam ang presko at mabangong amoy ng hininga ni Gareth.
"H-hindi puwede. Kasama ko si Graciel-"
"I don't take 'no' for answer, Sam." May pagdidilim na sa anyo ni Gareth.
Napakadominante ng lalaking 'to... Ani Sam sa isipan. Lumayo siya sa lalaki, umatras ng bahagya.
"O-okay. Pero ihahatid ko muna sa bahay ang anak ko," aniya kapagdaka.
"Fine." Malamig ang tinig ni Gareth nang sabihin iyon.
"M-makakaalis ka na..." bulong ni Sam sa lalaki.
Natawa nang pagak si Gareth at muling nilapitan ang babae. "Ako ang magdedesisyon kung aalis na ako o mananatili ako, Sam. I'm no longer the gareth who obeys orders." Makahulugan ang bawat salita ni Gareth. Mga bagay na hindi makuha ni Sam. Tila napakalalim nang pinaghugutan ng mga salitang binitiwan nito.
Tumigil si Gareth nang nasa harapan na ni Sam. Bahagya itong yumukod at walang pasabing inangkin inangkin ang mga labi ni Sam na nang mga sandaling iyon ay hindi makauma. Nanlalamig at biglang nanginig ang mga tuhod ni Sam na babagsak siya anumang sandali. Ang ginawa ni Gareth ay hindi niya inaasahan.
Nang ilang sandali ay bigla rin lumayo si Gareth na may kung anong emosyon sa kaniyang mga mata na bigla rin napawi at bumalik ang malamig nitong awra.
"6:30 tonight, Sam." Iyon lamang at daglian na siya nitong iniwan na tila napaso bigla.
Nang mapag-isa si Sam ay wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang labi na kanina lamang ay dinampian ng halik ni Gareth. Anong mayroon sa halik nito na tila pamilyar sa kaniya? Bakit wala siyang lakas na tumanggi sa mga kapritso ng lalaking iyon? Bakit kahit tumatanggi ang isip niya ay sadyang nagugustuhan ng puso niya ang mga nangyayari?
"Im sorry, Jener. Nagkakasala ako saiyo..." Bulong ni Sam sa kaniyang sarili at biglaang kinain ng guilt ang puso niya pagkaalala sa namayapa niyang kasintahan, ang ama ni Graciella.
Upang mawala sa sistema niya ang mga tagpo kanina ay lumabas siya at hinanap sina Martina. Nang makita niya ang mga ito ay pinakiusapan niya ang kaniyang sekretarya na ito muna ang maghatid sa anak sa bahay at ibigay kay Toneth na naroon na. Pumayag naman ang huli.
Bumalik siyang muli sa kaniyang opisina at doon nagmukmok. Hindi na niya naiintindihan ang nangyayari. Bigla niyang isinubsob sa mesa ang mukha dahil biglang sumakit nang matindi ang kaniyang ulo.