CHAPTER SEVEN

1035 Words
"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico. Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya. "Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito. Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya. "Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad. Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan. "This is your table, Miss Sam. Maiiwan ko na po muna kayo rito and we will serve the food in ten minutes." Huminga ng malalim si Sam nang mapag-isa. Gosh! Parang candle lit dinner ang ayos ah? Talagang nag-aksaya si Gareth ng pera sa pag-uusap nila? Dahil sa hindi mapakali, naglakad-lakad muna si Sam at pinag-aralan ang mga nakikita sa paligid, sa totoo lang ay napaka-relaxing ng paligid. Nakakawala ng pagod. Kailan nga ba siya huling nag-relax at nag-enjoy? Hindi na niya matandaan. Mga ilang minuto ang lumipas nang makarinig siya ng mga yapak, pero hindi siya lumingon sa pag-aakalang crew lamang iyon na dala ang mga pagkain. Naka-focus lamang ang paningin niya sa bulaklak na nasa harapan niya. Ibang peace ang naibibigay ng bulaklak sa kaniya sa tuwing nakakakita siya nito. "Did I make you wait?" Nabigla si Sam nang marinig ang boses na iyon, bigla ay parang nanlamig ang buong katawan niya. Marahan siyang lumingon at hinarap ang lalaki. "H-hindi naman," bahagyang nautal niyang sagot. Bakit ba siya nauutal sa lalaking 'to? "Have a sit, Miss Walton." Tsaka nito hinila ang isang upuan upang makaupo siya. Pagkaupo niya ay siya namang pagdating ng mga pagkain na in-order ni Gareth in advance. Marahang umupo si Gareth sa kaharap niyang upuan, naka business suit pa ito at alam ni Samantha na kagagaling lang nito sa opisina kagaya niya. "I've rented the whole place for you," bigla ay sabi ni Gareth sa pagitan ng katahimikan. Pero hindi iyon ang gustong marinig ni Sam mula rito. "Huwag na nating patagalin pa, Gareth. Magpakilala ka na sa akin, ano o sino ka ba sa buhay ko dati? Wala talaga akong matandaan about you..." Tuloy-tuloy na sabi ni Sam sa lalaki nang sila na lamang dalawa. "Easy, lady." Marahang ibinaba ni Gareth ang hawak na kopita na may champagne. Matiim nitong pinagmasdan si Sam na wari'y pinag-aaralang mabuti ang bawat detalye sa mukha nito. "You've change a lot, Sam. From a delicate, fragile girl I knew into a tough one." Hindi sumagot si Sam, hinihintay kung saan ba patungo ang mga sasabihin ni Gareth. Pero base sa mga sinasabi nito, tila kilalang-kilala ng lalaki ang pagkatao niya. Mas lalong umigting ang kuryosidad na nararamdaman ni Sam nang mga sandaling iyon. "Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako sa buhay mo?" He asked gently. May mapaglarong ngisi sa mga labi nito. "Yes, ofcourse. Kaya nga ako nakipagkita sa'yo rito, hindi ba?" Hindi napigilan ni Sam na langhapan ng sarkasmo at taray ang kaniyang pagsasalita. Nakita niya nang mag-igting ang mga panga ni Gareth at nakakapaso ang tinging ipinukol nito sa babae. Bigla naman tila nahiya si Sam sa kaniyang inasal. "Umm, I'm sorry about that. Medyo pagod lang ako sa opisina kaya mainitin ang-" naputol ang pagsasalita ni Sam nang biglang sumabat si Gareth. "Marry me, Sam. And you'll know who I am." Hindi iyon pakiusap, tila isa 'yong utos mula sa lalaki na nagpanganga kay Sam. "Are you out of your mind?!" Bulalas ni Sam. Nababaliw na ba ang lalaking 'to? Asking marriage all of a sudden? Binigyan lamang siya ng makahulugang ngisi ni Gareth. "I'll give you two weeks to decide." "You're crazy!" "Think about it as a blessing, Sam." Nagkasalubong ang mga kilay ni Sam dahil sa magkahalong inis, gulat at galit kay Gareth. "Blessing? The hell! What are you talking about?" Inis na bira niya sa lalaking prenteng nakaupo lamang sa harapan niya habang nilalaro-laro ang kutsara sa kabilang kamay neto. "It's a blessing, isn't it? Alam ko ang pinagdadaanan ng kumpanya mo, kumpanyang minana mo sa pinakamamahal mong ama, Sam. Wala ka nang magagawa para maisalba ito, unless you marry me." "Pinaimbestiga mo ang buhay ko, para may magamit ka sa akin?" Gigil niyang tanong kay Gareth. "Sam, whether you accept my proposal or not, hindi ka na makakatakas sa akin," seryoso at makahulugang turan ni Gareth kay Sam. Biglang napatayo si Sam dahil sa namumuong galit sa dibdib, tila pinaglalaruan siya ni Gareth. "Aalis na ako," inis niyang turan sa lalaki at walang babalang tinalikuran ito. Pero hindi pa man siya nakakalayo nang muli itong nagsalita. "Think about this, Sam. I know you cannot bear to lose your company. I can help you, just accept my proposal." Napapikit nang mariin si Sam at huminga ng malalim. Nang tila napakalma na niya ang sarili, muli niyang hinarap si Gareth. "Paano kung ayoko?" Nakita niya ang pagdidilim ng anyo ni Gareth. "Then, sorry. I will be your worst nightmare. Every night and everyday. With just one flick of my finger, everything you have now will be gone." Mariing sabi nito kay Sam. Sam knew, he's not joking. Kung gugustuhin ni Gareth ay mapapabagsak nito ng walang hirap ang kumpanya nila, lalo na sa estado ng kumpanya ngayon. Pero kung pakakasalan niya ito, makakasigurado ba siyang hindi bangungot ang mararanasan niya sa lalaki? Base sa obserbsyon niya, malaki ang pagkamuhi ng lalaking 'to sa kaniya. Gosh, Gareth! What have I done to you in the past to make me suffer now? Hindi na lamang sumagot si Sam at muling tinalikuran ang lalaki. Pakiramdam ni Sam ay mas bumigat ang mga pasanin niya. Pakiramdam niya ay wala na talaga siyang karapatang maging masaya. Unti-unti na lamang siyang nagiging manhid sa mga nangyayari sa buhay niya. Does she deserves all these suffering?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD