" Ate Samara!" sigaw ng isang batang babae na tuwang tuwa nang makita siya. Si Sasa ang pinakabunsong batang babae na anak-anakan niya.
May siyam pa itong mga nakakatandang kapatid sa squatter area na iyon. Ulilang lubos na ang mga ito dahil namatay na ang mga magulang noong baby pa lamang si Sasa. Nakilala niya ang mga magkakapatid sa kalsada , nangangangakal ang mga ito ng mga basura at binebenta ang mga plastic na bote na napupulot .Ang panganay ay si Maxwell, disinueve anyos sumunod sina Lea, Nancy, Gen, Gera,Joenard, Baby , Albino, Gerwina at Espie.Naawa siya sa kwento ng mga ito kaya sinundan niya ang magkakapatid sa bahay ng mga ito at nakita nga niya ang sitwasyon ng mga ito.
Pero ngayon ay hindi na nangangakal ang magkapatid. Pianaaral niya ang mga ito sa malapit na pampublikong paaralan. May mga tauhan rin siyang binayaran upang asikasuhin ang mga bata. May mga allowances rin ang mga ito at monthly budget para sa pagkain.Inayos rin niya ang barung-barong ng mga ito at nagpatayo ng de sementong bahay.
Kilala rin siya ng mga tao sa squatter area , Ate Mara ang tawag sa kan'ya ng mga bata .Palagi siyang may dalang saku-sakong mga biskwit at tinapay. Ang bawat pamilya rin ang mga isang sakong bigas kada buwan. Sa squatter area niya nilalaan ang pera niya, sa katunayan ay balak niyang kausapin ang may-ari ng lupa para ibibigay na niya sa mga taong naroon ang lupaing iyon. Treinta pamilya ang nabibilang sa squatter area na iyon na nasa gilid ng isang exclusive subdivision.
" Kumusta kayo?" tanong niya kay Sasa na nakaupo na ngayon sa kan'yang kandungan.
" O-okay lang po ,ate. " sagot ng cute na batang babae. Limang taon na ngayon si Sasa at nag-aaral na rin ito sa Kindergarten.
Marami pang bata ang dumating at inutusan na lamang niya si Maxwell na ibahagi ang mga tinapay na nasa karton. Kitang kita niya nag tuwa sa mga mukha ng mga bata. She feel fulfilled whenever she saw happiness on their faces .
Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan niya ay dito niya dinadala ang mga pagkain na tinetake-out niya kapag may mga okasyon. Natutuwa kasi siya kapag nakikitang masaya ang mga anak-anakan niya.
" Mang Toni, may budget pa po ba para sa pagkain ng mga bata?" tanong niya kay Mang Tonio na nag-aalaga sa mga bata. Ang asawa nitong si Aling Cora ay ang tagapagluto at tagapaglaba sa munting bahay ng mga magkakapatid.
" Meron pa po, Ma'am sakto pa po hanggang sa susunod na linngo." nakangiting sambiot ng ginoo.
" Maraming salamat po sa inyong mag-asawa." aniya .
Kapag nakikita niya ang mga magkakapatid ay doon niya naiisip kung gaano siya kaswerte sa buhay.Hindi niya naranasan ang kahit na kaunting hirap noong kabataan nila. Hindi niya naranasan kung paano magutom at lahat ng gusto niya ay ibinibigay kaagad ng kan'yang magulang.Swerte nga siya sa buhay pero sa love life naman ay napakamalas niya.
Kapag iniisip niya ang tungkol sa lovelife niya ay naaalala niya si France Geller na para sa kan'ya ang pinakademonyo sa lahat ng mga Geller. Minaliit ba naman siya pagkatapos niyang ibigay ang virginity rito? Ang akala siguro ng France na iyo ay isa siyang pagkaing FREE TASTE na pagkatapos tikman ay balewalain na.
Tanggap naman niya na napakalandi niyang babae at isama na ang katangahan at karupukan niya. Hello, isang Geller si France. Just like the rest of the Geller, kahit sa isip lamang ay huhubarin niyo na talaga ang mga ito sa tindi ng kagwapuhan at kakisigan. Who would resist a Geller?They are every girl's weakness.Amoy pa lang ulam na ang mga hinayupak na coke in can na iyon.
Well, aminado siyang crush niya talaga ito noong una pa kaya palagi niya itong kinukulit. She is really desperate na pansinin siya ni France pero parang pinaglilihian siya ng binata dahil palagi itong galit sa kan'ya na ewan niya kung bakit!Noong nasa kulungan siya at nagpanggap bilang si Cathalea ay doon niya pinag-isipang landiin ito at nagwagi siya dahil may nangyari nga sa kanila a month ago pero ang damuho pala, alam naman na siya talaga si Samara at punishment raw niya 'yun.Well, akala siguro ni France ay tahimik na siya at nakalimutan na niya ang nangyari sa kanila lalo na ang pagmumura nito sa kan'ya. Hmmp, actually hindi pa siya nag-uumpisa sa pagpipiste sa buhay nito. Sisiguradudin niya na ultimo buhok sa kili-kili at ilong nito ay maiistress at malalagas sa kan'ya.
Imagine? ito lang 'ata ang nag degrade sa beauty niya ,as in duh? Maraming mga kalalakihan ang naghahabol at nagdadasal na mapansin ng isang Samara Bright? Tapos , ang Geller lang iyon ang manliliit sa lahi at genes nila?
Wala naman siyang magagawa kung nawala na ang virginity niya.Wala naman siyang pinagsisisihan dahil type niya talaga si France.Kaya nga siya nagaakting dati sa probinsya na type niya si Uncle Ox ay para pagselosin si France pero talagang galit ang kumag sa kan'ya, abot hanggang sa outer space ang inis ni France sa kanya.
She resigned being an FBI agent na pangarap ng daddy niya.Purely assassin na lamang ang kan'yang job description ngayon. World's best hacker and like Cathalea Valkyre, isa rin siyang sniper pero hindi kasing galing ni Cath. Ang expertise niya ay close combat skills, walang lalaking mananalo sa stamina niya sa closed combat skills.Lahat sila ay may kanya-kanyang mga abilidad pagdating sa expertise kaya hindi rin basta bastang umalis sila sa organisasyon ng Black State Empire.
" Hello?" tanong niya mula sa unknown caller mula sa kabilang linya.
" Sam, si Ox ito! I'm in Manila right now." sambit ni Uncle Ox Geller ni France. Second crush rin niya talaga ang hari ng mais na ito eh.Ito ang pinaka-alamat sa lahat ng kamaisan sa mundo.Hmmp, lumalabas na naman ang kan'yang kalandian .
Gustong gusto siyang makasama ni Oxford dahil hindi raw siya boring kasama at napaka-prangka niyang tao na kagaya ni Cath. Totoo naman, hindi siya palalihim na tao. Kung pangit ka, malalaman mo talaga ang katotohanan sa bunganga niya. She is a walking mirror.
" Emeyged,uncle where you now? " sabik niyang sambit.
" I'll just text you the address Sam.Punta ka dito mamaya ah? Magluluto ako ng dinner natin!" sambit ni Oxford.
" Makita pa lang kita busog na'ko uncle!" aniya rito.Narinig naman niya ang malakas na tawa ni Oxford. Ang sarap utuin ang uncle ni France.Pero infairness, kung ulam si uncle ay isa itong lechon... bakit? Kapag ihahain eh ito talaga ang uunahin mong kakainin at iuuwi mo pa kahit ang buto-buto.
" Ang galing mong mambola, Samara kaya gusto talaga kitang makasama. Sige na, aasahan kita ah?"paalala nito.
" Uncle, damihan mo ang luto ah? "
" Oo, kilalang kilala kita." anito.
" Salamat, see you ooohhh uncle oooh!" tukso niya rito.
Muli itong natawa sa kakulitan niya.Naiimagine na niya talaga ang mukha ni Uncle na ubod ng gwapo at ang katawan nito na pwedeng maging miyembro sa " The Avengers".
Bigla 'atang naging maaliwalas ang madilim niyang mundo sa balita ni Uncle. Madilim ang panahon dahil nagbabadya ang ulan ngunit sa point of view niya ay maaraw ang paligid.Ganoon talaga ang epekto ng isang Oxford Geller sa kan'ya.