Sale's Stalk

1844 Words
CHAPTER 2 THIRD PERSON POV Mainit na naman sa palengke ng San Miguel. Walang electric fan, walang aircon, pero may isang dahilan kung bakit nagkakandarapa ang lahat ng tinderang babae at kahit ilang lalaki para lumabas sa kanilang pwesto tuwing alas-nuebe ng umaga. Dumarating na si Etatskie Agustin. Kargador ng niyog. Kargador ng tuwalya sa mga pantasya ng lahat ng nilalang sa palengke. "AYAN NAAA SI ETATSKIEEEE!" sigaw ni Aling Baby habang nanginginig ang dalang itlog. Literal. Nahulog pa nga 'yung isa. "LORD! LORD! BAKIT MO GINAWANG KARGADOR ANG ISANG DIYOS?!" sigaw ni Manang Letty habang sinabuyan ng tubig ang repolyo niyang wala nang gana. Lumakad si Etatskie na parang slow-mo sa telenovela. Naka-short lang ng gray, fitted na fitted, at halatang-halata ang... "BUKOL." Hindi ito ordinaryong bukol. Ito ‘yung tipong may sariling zip code. Bawat hakbang niya, parang may mini-parada sa harap niya. "Nine inches 'yan," bulong ni Dodong habang hawak ang longganisa. "Pano mo naman nalaman?!" sabay sabog ni Aling Baby ng walis tambo sa kanya. "Eh… naramdaman ko nung nadulas ako dati. Akala ko kahoy sa sahig… mas mainit pala!" Habang lahat ay parang naglalaway na sabaw ng tinola, si Taruts, ang Reyna ng Gata, ay nagkukubli sa likod ng tumpok ng buko. "LORD, PAKI-RESET ANG OVARIES KO." Habang pinapanood niya si Etatskie, bumilis ang t***k ng puso niya. At hindi dahil sa cholesterol. Kundi dahil sa ABS. EIGHT. COUNT. THEM. EIGHT. "Ang ABS niya, parang keyboard ng cellphone! Pwede kang mag-text gamit lang ang dila mo!" sabi ni Taruts habang nanginginig sa kilig. Dumiretso si Etatskie sa kanya, pawis na pawis, karga-karga ang isang sako ng niyog sa balikat. Parang isang Greek god na may delivery. "Miss Taruts, saan mo gusto ilagay 'tong niyog mo?" tanong niya, may pawis sa noo at ngiti sa labi. OH. MY. GATA. "Sa puso ko, kung pwede lang," bulong ni Taruts, pero walang audio control ang bibig niya kaya narinig ni Etatskie. "Ha? Ano raw?" "Ay wala! Diyan lang sa gilid! Pero ingat ka, baka madulas ka sa feelings ko!" Ngumiti si Etatskie. Yung tipong ngiti na kayang patunawin ang yelo ng halo-halo. "Wag kang matakot, sanay akong dumulas. Sa puso ng iba," sabay wink. "AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" Muntik nang himatayin si Taruts. Pero dahil sanay siyang tumayo sa gitna ng palengke kahit may baha, pinigilan niya ang sarili. Hanggang sa... PLAK! "NADULAS SI TARUTS!" sigaw ni Mang Ben. "Ayyyy Taruts! Baka may bali ka!" takbo agad ni Arnold pero natapilok din. Sabay silang natumba ni Taruts pero... SINALO SIYA NI ETATSKIE. Oo. Buong katawan ni Taruts, dumapo sa matigas… na katawan ni Etatskie. Braso, dibdib, abs, at siyempre... "OH MY GULAY, NABUKOLAN AKO!" Yakap-yakap siya ni Etatskie, at literal na nakalapat ang kanyang pisngi sa tyan nitong parang gawa sa kahoy ng langka. "Okay ka lang ba, Miss Taruts?" tanong ni Etatskie habang inaayos ang kanyang buhok na nabasa sa pawis nito. "Okay lang… okay lang ako… pwede na 'kong ilibing bukas, may silbi na ang buhay ko." "Ha?" "WALA! WALA! I mean... thank you, ha?" "Baka gusto mo muna umupo. Halatang nanginginig ka pa." "Baka gusto mo muna akong pakasalan. Halatang mahal na kita." "Ha?" "AY WALA ULIT! Tea lang, hindi pa ako lunok ng katotohanan." Tumayo si Taruts pero nagkatinginan sila ni Etatskie. Matagal. Intense. Parang eksena sa pelikula. "Taruts," bulong ni Etatskie. "Yes, mahal?" sabay takip sa bibig niya. "I mean… yes?" "May gata ka pa ba? Yung malapot?" "Sa puso ko, sobra. Pati tamis. Gusto mong tikman?" "Tikman? Ang alin?" "GATA KO! Gata ng niyog! Ayan oh!" sabay abot ng tabo na may halong yelo, gata, at konting luha ng kilig. "Salamat. Sarap nito ah!" "Kasing sarap ng first kiss natin sa panaginip ko kagabi!" "Huh?" "WALA ULIT! WALA! BANGUNGOT YON!" Samantala, ang mga tindera sa paligid ay parang audience sa noontime show. "ILABAN NA YAN!" sigaw ni Manang Letty. "PAKASALAN MO NA 'YAN, TARUTS!" hiyaw ni Aling Baby. "KUNG AYAW NIYA, AKO NA LANG!" sigaw ni Dodong habang nilalambing ang longganisa niya. "Hoy Dodong, pa-expire ka muna bago ka mag-apply!" Dumating bigla si Kapitan Delos Reyes. "Ano na naman 'tong kaguluhan?" "Kap! May niligtas pong buhay si Etatskie! Pwede po ba siyang gawing 'Pambansang Kargador ng Pag-ibig'?" "Basta ba may resibo. At buko juice." Bumalik si Taruts sa pwesto niya habang naka-smile ng wagas. Ngunit habang nagbabalik siya sa pag-aalok ng gata at buko... Lumapit ulit si Etatskie. "Taruts, totoo ba yung sinabi mo?" "Alin dun? Yung gusto ko magka-show sa TV? O yung panaginip ko kagabi na ikaw naka hubad habang nasa kawali ka at sinasahugan ko ng gata?" "Yung… gusto mong mahalin ka." Natigilan si Taruts. Bigla siyang naging seryoso. "Etatskie… sa totoo lang… araw-araw akong nagtatrabaho dito para mabuhay. Pero tuwing dumaraan ka, para akong nabubuhay para kiligin." "Taruts… gusto kitang ligawan." "AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY PUT*NG GATAAA!!!" sabay tili ng buong palengke. "NARINIG NYO YON?!" sigaw ni Aling Baby. "GUSTO SYANG LIGAWAN! LIGAWIN!" "Kailangan may harana!" sigaw ni Mang Ben. "Kailangan may laban ng abs vs bilbil!" singit ni Dodong. Ngumiti si Etatskie at hinubad ang kanyang t-shirt na basang-basa sa pawis. Tinapon ito sa ere. NAKITA NG LAHAT ANG ABS. WALANG NAKA-SURVIVE. "Putik. Parang escalator ang tiyan," bulong ni Taruts. "Eh ‘yung bukol?!" sigaw ni Aling Baby. "Yung bukol… may sariling orasan. Laging handang bumangon!" "Taruts…" bulong ulit ni Etatskie. "Handa na 'ko. Handa akong maging lalaki mo. Hindi lang kargador ng niyog… kundi kargador ng damdamin mo." "Grabe ka, Etatskie… para kang gata na nilagay sa sinigang hindi bagay pero ang sarap!" Lumapit siya at sabay silang humawak sa isang tabo ng buko juice. "Ano 'to? Kasal sa tabo?" tanong ni Taruts. "Hindi. Simula ng matamis nating love story." At sabay silang uminom. Sabay tili ng buong palengke, "KILIGGGGGGGGGGGG!!!" Matapos ang mala-romcom na eksena kung saan sinalo ni Etatskie si Taruts at ipinagmalaki pa ang kanyang abs at bukol na may sariling fan club, nagsimula ang second round ng kaguluhan sa palengke ng San Miguel. At ang resulta? Blockbuster ang pwesto ni Taruts. "Hoy! Hoy! Hoy! Diyan sa likod! Pila lang po ng maayos! Hindi po ito pa-burger, GATA po ang binebenta dito!" sigaw ni Arnold, ang tanod, na ngayo'y parang event organizer sa dami ng tao. "KAMI PO! KAMI PO! Dalawang buko at isang gata! Dapat may pa-wink si Etatskie ha!" sigaw ng isang matrona habang tinatakpan ang cleavage niya gamit ang abaniko. "Isa pa akong tabo ng gata! Pero dapat habang inaabot, maggiling si Etatskie!" dagdag ng isang dalagang halos mapunit na ang damit sa kakapilit sa harap ng pila. At si Etatskie? Nakatayo sa gitna ng pwesto, karga ang niyog sa isang kamay, hawak ang straw ng buko sa kabila. Biglang... Sumayaw. Nag-GILING. "AYYYYYYY!!!" sabay hiyaw ng buong palengke. "OH MY KALABASA!" sigaw ni Aling Baby, habang muntik nang mapiga ang hawak niyang itlog. "Ano ‘to, noontime show na may papremyo ng kilig at kalandian?!" sabi ni Mang Ben habang hawak ang cellphone para mag-selfie kasama si Etatskie. "ETATSKIE! ETATSKIE! PA-DILA NAMAN!" sigaw ng mga babae. At akala mo tapos na? Biglang sinipsip ni Etatskie ang buko gamit ang straw, dahan-dahan, may ingay pa na parang paghinga ni Piolo Pascual sa slow-mo. SLLLLUUUUUURRRRRRRRRP. Sabay dila sa labi. At kindat. "NA-ANAAAAAAYYYYYYYY!!!" sigaw ni Manang Letty habang piniga ang sarili. "PAAKO! ASAN PAAKO?! HINDI KO NA MARAMDAMAN!" tili ng isang ale sa dulo ng pila. Taruts? Wala sa sarili. Literal na umiikot ang mundo niya. "Lord, hindi ko po hiningi ito, pero salamat po talaga. Hindi ko na kailangan ng boypren, si Etatskie lang sapat na." Habang lumalakas ang bentahan, halos hindi na makaabot ang gata sa mga suki. "Taruts! Wala na bang dagdag? Gusto ko pa ng gata! Sa dila mo pa dumaan!" "Naku, ate, hindi po ako straw. Pero kung si Etatskie ang gusto mong dumaan, ipa-sked mo muna. Fully booked siya hanggang alas-tres!" Tuloy-tuloy ang bentahan. Ang niyog, parang candy na nauubos. Ang buko, parang ice cream sa summer. Ang gata? Parang love life ng chismosa matamis, makalat, at sobrang dami! Biglang dumating si Kapitan Delos Reyes. "Ano ‘to?! May parade? May rally?! Bakit ang daming tao?" "Kap! Hindi rally ‘to! Fiesta ng Gata ni Taruts at Bukol ni Etatskie!" tili ni Aling Baby habang naka-bra na lang sa init. "Kap, bili ka na rin! Sa halagang trenta pesos, makakalimutan mo na utang ng asawa mo!" "Kahit utang ko sa munisipyo, willing akong kalimutan," sagot ni Kap sabay abot ng limang tabo ng buko juice. Pagkatapos ng dalawang oras, wala nang laman ang pwesto ni Taruts. NAUBOS. Walang ni isang niyog. Kahit balat. Kahit kalat. Wala. "AY PUTIK NA GINATAAN, SOLD OUT NA ‘KO?!" sigaw ni Taruts habang tatalon-talon sa tuwa. "GRABE! PARANG FLASH SALE SA ONLINE SHOP!" sabi ni Manang Letty. "Mas matindi pa sa 11.11!" dagdag ni Aling Baby. Sabay talon si Taruts. Sa sobrang saya… NAPAYAKAP KAY ETATSKIE. Literal. Buong katawan niya bumalot sa lalaking parang sinaniban ng Adonis. Hawak-hawak ang batok ni Etatskie, parang eksena sa K-Drama. "ETATSKIE!!! Ikaw ang lucky charm ko! Kung hindi dahil sa'yo, malamang tatlong gata lang nabenta ko!" "Hehehe, sobra ka naman…" "Tignan mo ‘to, oh!" sabay kalas ni Taruts, kinuha ang lumang tinapay na ginagamit niyang kalkulasyon ng benta. "Today’s kita: P20,675.80. EH KAHAPON, dalawang itlog lang binili ni Dodong!" "Dahil lang sa giling ko ‘yon?" tanong ni Etatskie, nakangiti. "At sa dila mo! At sa bukol mo! At sa straw mo!" tili ni Taruts. "Nakakahiya na eh…" "Huy! Wag kang mahiya! Dito sa palengke, ang may abs, may premium. Ang may giling, may bonus!" Sabay sigaw ang mga tao sa paligid: "ETATSKIE PARA SA KALAYAAN NG MGA PUSONG UHAW!" "Ang bukol mo’y sagot sa kahirapan!" dagdag ni Dodong. "Bakit ako ‘di pinanganak na buko juice!" iyak ng isang dalagang suki. Ngumiti lang si Etatskie. Pero deep inside? BOOM. BOOM. BOOM. Kasing ingay ng palengke ang t***k ng puso niya. "Grabe ‘tong si Taruts… iba ‘yung energy. Iba ‘yung vibes. Iba ‘yung… lambot ng yakap niya kanina," bulong niya sa sarili. At habang nagsisiksikan pa ang mga tao para magpa-picture, dahan-dahang lumapit si Taruts kay Etatskie. "Teka lang…" "Hmm?" "May utang pa ‘ko sa’yo." "Ano ‘yon?" "Isang thank you. Yung galing sa puso. At baka…" "Baka?" "Isang kiss sa pisngi… kung okay lang." Tahimik ang paligid. Tumigil ang bentahan ng isda. Tumigil ang pagkatay ng manok. Tumigil ang oras. Tumingin si Etatskie kay Taruts. Napalunok. Nanginginig. "Sige." At sabay hiyawan ang buong palengke: "KISSSSSSSSSSSS!!!" Hinalikan ni Taruts si Etatskie sa pisngi. Dahan-dahan. Parang halik ng Gata Queen sa Hari ng Kargador. CHUP! "YEAAAAAAAAAAAAH!" "OMG OMG OMG OMG!" "Ako na ang tagapagtimpla ng gata sa kasal nila!" "May pa-lechon na ba?!" Ngumiti si Etatskie, hawak ang pisngi niya. "Taruts…" "Ano ‘yon?" "Baka hindi lang ito simula ng magandang bentahan." "Bakit?" "Baka simula na rin ng magandang relasyon." "ETATSKIEEEEEEEEEEEEE!!!" sabay tili ni Taruts. "Kung gata lang ‘to, ikaw ‘yung apoy na nagpapakulo sa’kin!" "At ikaw ‘yung sandok na kumukurot sa puso ko," sabay yakap ni Etatskie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD