TAHIMIK na ang paligid. Pasado alas-una na ng madaling araw pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin dalawin ng antok si Luna. Nang luminon sa tabi ay naroon si Blaine at himbing nang natutulog. Bahagya itong gumalaw at agad yumapos sa kanyang beywang at hinila siya palapit. Napangiti si Luna at marahan hinaplos ang pisngi nito. Mula nang nagsama silang matulog sa isang kuwarto. Nasanay na si Luna na katabi matulog si Blaine. Kung dati ay ginagawa niyang araw ang gabi. Ngayon ay tuluyan nang bumalik sa normal ang takbo ng kanyang oras. Pakiramdam niya ay gaya na siya ng ibang normal na babae. Pumapasok sa trabaho sa umaga, umuuwi at natutulog sa gabi. Going on dates during weekend and make love with Blaine. Nang sinubukan niyang pumikit ay saka siya nagising nang may marinig n

