WALANG pagsidlan ng saya sa kanyang puso ang nararamdaman. Mula nang bumalik si Blaine sa kanyang buhay ay hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. Ang akala ni Luna na ang kanyang pagtitiis nitong nakalipas na buwan na pagmasdan si Blaine mula sa malayo ay mauuwi na lamang sa wala. Kung ang masayang sandaling kasama ang binata ang kapalit ng lahat ng kanyang pinagdaanan, then, it’s all worth it. Pasado alas-dose na ng hatinggabi nang makauwi silang dalawa doon sa penthouse. Pagbaba niya ng motor at hubarin ang helmet ay sinalubong nila ng ngiti ang isa’t isa. “Nag-enjoy ka?” tanong ni Blaine habang nakasakay pa rin ito sa motor. “Super,” sagot niya habang tumatango. Lumapit siya dito nang mapansin na nagulo ang buhok nito matapos hubarin ang helmet. Inayos niya iyon at sinuklay gam

