Chapter 6

1414 Words
Chapter 6 You're not really my type. So please stop assuming. Tsk. Said the dude who thought so highly of himself! I was not his type. And that's a relief. I didn't know why people even called him 'a man with values and principles' cause seriously, it didn't reflect. It was already midnight and I couldn't sleep because of my frustration. I rolled on the side of my bed forcing myself to sleep but I just couldn't! I was glad that I was not his type but did he really need to throw it to my face? Didn't he know the term 'female ego'? If I could just punish him, I would. But since I couldn't, I would just be contented with my imagination. "Ilabas ang nasasakdal!" Sigaw ko habang nakaupo ako sa aking trono dito sa malaking palasyo. Lumabas ang dalawang kawal at hawak hawak nila ang madungis na si Damien. Nakaposas ito at mukhang gusgusin. "Luhod." Maotoridad kong utos. Hindi siya sumunod kaya tinulak siya ng dalawang kawal dahilan para mapaluhod siya. "Nagmamakaawa ako Ms. Austria, pakawalan niyo na ako." Malamig at wala pa ring emosyon ang kaniyang tono. "Ayoko." I said as I flipped my hair. Kinuha ko ang espada sa aking gilid at walang pagdadalawang isip na pinugutan ko siya ng ulo. Gumulong ang kaniyang ulo sa may paanan ko. Habang ang kaniyang katawan sa aking harap ay napahiga. Napuno ng kaniyang dugo ang sahig. "Ipakain niyo sa mga uwak ang kaniyang ulo habang ang katawan niya naman ay iluto niyo para sa ating hapunan. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Umalingawngaw sa buong palasyo ang nakakatakot kong tawa. Pati sa kama ay hindi ko napigilang matawa. To be honest, now that I imagined that, I felt a lot better. Maisip ko palang yata ang pugot ulong katawan ni Damien ay napapatalon na ko sa sobrang tuwa. At sa aking pagtulog ay iyon pa rin ang iniisip ko: ang pugut ulong katawan ni Damien Ozera. ~~~ Kinaumagahan ay dumiretso agad ako sa flower shop ni Auntie Lyn para magtrabaho. Nag-aarrange ako ng mga bulaklak nang may isang batang pumasok dito sa shop. Agad ko siyang nilapitan. Umupo ako para pantayan ang mga mata niya. "Hi little girl!" Bati ko nang masigla. Siguro mga nasa 3 or 4 years old ang edad niya. "Heyow." Bahagya akong natawa. Bulol pa siya eh. Bleh! Bulol! "Bibili kang flowers?" "Owpo." "Anong gusto mo?" "Rowsh." Tsaka niya tinuro yung rosas, kumunot ang noo ko. "Rose? Full of thorns. No." Umiling-iling ako. Humalukipkip sa harap ko yung bata tsaka niya ko inirapan. Aba! "Rowsh." Pag-uulit niya sa matigas na tono. "Fine. Rose. But I'll give you the one without thorns, okay?" Tumayo ako para kunin yung rosas na walang mga tinik ang tangkay. Tsaka ko binalutan para hindi masugat yung masungit na bata. Lumuhod ulit ako sa harapan niya para magtama ang aming paningin. "Here. Rose. Accept it." "Ten chu." Nakangiti na ngayon yung bata. Pinisil ko yung pisngi niya kasi ang taba. "What's your name little girl?" "Adeline." "So Adeline, payment." Nilahad ko ang aking palad sa kaniya. "Rose. You bought. Pay." Ilang saglit na natahimik yung bata tsaka niya ako niyakap at hinalikan sa pisngi. "Payment." Hindi ko napigilang matawa at manggigil. "That's your payment? Wow. Mautak kang bata ka." Sa di kalayuan ay may nakita akong kotse doon. May matandang mag-asawa doon na nakatingin sa aming direksyon. May kasama din silang isang dalagang babae. Para bang naghihintay sila kay Adeline. "They are your family, Adeline?" "Yep. I'll give this rowsh to my mom." Biglang nag-init ang mga mata ko sa nagbabadyang luha. Tumingala ako para hindi sila tuluyang tumulo. I wouldn't cry. Come on, I refused to cry. "You're.. you're so lucky Adeline." "Why?" Ang maliit niyang kamay ay hinaplos ang aking pisngi. "You crying?" "No." "Wersh your family?" "I.. I lost them." I cleared my throat. "Why?" "They died." "You alone now?" Images of my family came rushing in my mind but I tried to sweep them away. That was enough. They were gone. They were not coming back. I had to continue my life without them. I didn't have to stop living just because other people were dead. "Actuall—" "ADELINE! WE NEED TO GO!" Sigaw nung matandang babae na nasa kotse. Nakangiti siya sa aming direksyon. "You go little girl! Rose. Give to mommy." "Hihi! Yep." Muli niya kong hinalikan sa pisngi tsaka siya tumalikod na at pumasok sa kotse nila. Nakabukas ang bintana ng kotse nila kaya kitang kita ko kung paano niya binigay yung rosas sa mommy niya. Nagtatawanan silang pamilya habang hinahalikan niya ang mommy niya sa pisngi. Tumayo na ako at pinaypayan ang sarili ko. Remembering about my family was such a heartache, but at the same time, it lightened my burden. It reminded me that once, I had been a happy child. That once in my life, I had been an ordinary person living a normal life. ~~~ Nagbabantay ako ng flower shop nang lumabas si Auntie Lyn sa office niya, may bitbitbit na napakalaking bouquet ng mga bulaklak. "Hazy, ihatid mo to kay Lolo Carding, nag-order na naman siya." Tinanggap ko yung bouquet. "Akalain mong may katextmate daw si Lola Rosa, kaya ayun! Nagselos ang matanda." Biglang nag-init yung pisngi ko. Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan pero gusto ko ring matawa. "Textmate?" "Oo raw. Haynako, ang tatanda na ang rami pa ring alam." I chew my lip and stopped myself from smiling. Nagbike na ako papunta kina Lolo Carding. Huminto ako sa pagbabike nang nasa harapan na ako ng bahay nila. Nadun silang mag-asawa sa labas, nasa gilid ko lang. Nakaakbay si Lolo Carding kay Lola Rosa. "Lolo Carding, eto na po." Inabot ko sa kaniya yung bouquet na hindi pa rin bumababa sa bike ko. Kinuha naman niya ito at binigay kay Lola Rosa. "Salamat apo hah. Eto kasing si Lola Rosa mo, panay ang harap sa ce—" "Eh may nagtetext nga Carding. Hindi ko naman alam kung ano ang sina—" "Pwede ko po bang mabasa Lola?" Singit ko sa LQ nilang dalawa. Inabot ni Lola Rosa sa akin yung Nokia niya at binasa ko yung inbox. Unknown number: Greetings. Go to the Safronov Palace today so that I can discuss to you the details about our deal. You know who I am. I'm expecting you to show up. Safronov Pier Agent, Damien Ozera. Unknown number: Answer my call. Unknown number: Good day. I am now ready to discuss to you the details. Please text me back if your time is free. Safronov Pier Agent, Damien Ozera. Unknown number: Don't try my patience. Answer my calls. Unknown number: I've been calling you for days, and I hope you have a valid reason for not answering any of the calls. Safronov Pier Agent, Damien Ozera Madami pa siyang texts siguro nasa tatlumpu. I giggled. I couldn't stop it! Awww.. Was I frustrating you, Mr. Ozera? Now let's frustrate you more. Nagtype ako nang irereply. ANSWER YOUR ASS MR. OZERA! Sent! Tsaka ko blinock yung number niya para hindi na magulo si Lola Rosa at Lolo Carding. Binalik ko na yung cellphone kay Lola. "Lola, okay na po. Hindi niya na po kayo guguluhin." Masigla kong sabi kay Lola pero si Lolo yung nagreact. "Hay naku! Salamat Ineng! Oh eto, wag mo nang ibalik yung sukli. Pangmeryenda mo na." Tsaka niya ko inabutan ng pera. Aba! Ang galante talaga ni Lolo! "Salamat Lolo!" Nagbike na ulit ako at dineliver ko na rin yung iba pang may order ng mga bulaklak. Yung mga order naman na galing sa malalayong lugar ay si Tino yung nagdedeliver. Nang madeliver ko na yung mga bulaklak ay may natitira na namang isang rosas. May naalala tuloy ako. Chineck ko ulit yung listahan ng mga address. Biglang kumabog ang dibdib nang makita kung saan ito ihahatid. The same address. My fingertips tingled. My mouth tasted bitter. My throat was tightening. The address where I attacked Damien Ozera using a rose was written in this paper. I wet my lips. I was 100% sure that this rose was ordered by that robotic human being. I was 100% sure! He wanted to talk to me again in a private place where no one would see us. Nagbike ako pabalik sa flower shop. Yung rosas na lang na iyon ang natitira. "Tino!" Tawag ko sa baklang kasama ko dito sa flower shop. "Masama na kasi ang pakiramdam ko, pwedeng ikaw muna ang magdeliver nitong rosas?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD