Chapter 67 Looking at a mirror? Doon ko lamang napagtanto na nakatitig nga ako sa salamin. May parte sa Tenebrous na salamin ang aming pader. Nakahawak ako sa isang puso na piniga-piga ko kanina at kulay pula ang aking mga mata. Malagkit at malambot ang dama ng puso sa aking palad. Ang aking damit na itim ay napintahan na ng pulang dugo. Nakangiti ako sa aking repleksyon. Inangat ko ang aking tingin at nagtama ang aming paningin ni Eve sa salamin. "Hi Agent Eve! Welcome to our castle. Want me to tour you around?" Tumawa ako tsaka ko inikot ang aking ulo at tinignan siya sa aking likod. Nakatayo siya at nakalahad na ang dalawang kutsilyo niya. Punong puno iyon ng pulang dugo. Blood.. I wanted blood. The scent of blood was teasing my nose. I wanted her blood. I wanted her dead. I wanted

