Chapter 70 The puzzle pieces quickly snapped together. Kaya biglang nawala si Mommy. Kaya biglang wala na lang nakakita sa kaniya ay dahil pinag-eeksperimentuhan din siya ni King Azrael. Napapikit ako nang mariin. Lumiyab na naman ang galit sa aking sistema. Ngunit ngayon ay hindi na ito galit na nagmumula sa dugo ng hari. Sariling galit ko na ito. Handang magwasak at tumupok. Pagkatapos sabihin iyon ni Eve ay nagmadali kaming lumabas ng laboratoryo. Isa pa ring malaking digmaan ang nangyayari sa palasyo. Sa gitna ay may isang malaking bilog na espasyo na walang mangahas pumasok. Parang may hindi nakikitang pader doon kaya hindi makapunta ang mga Safronov at Tenebrous. Sa gitna ng bilog na iyon ay nandoon ang hari ng Tenebrous, at sa kaniyang tabi ay ang kaniyang reyna. My mom's black

