Chapter 50

2931 Words

Chapter 50 To go or not to go? Kunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang invitation na hawak-hawak ko. Noong nakaraang linggo ay binisita ko ulit si Auntie Lyn. Pinark ko ang aking MV Agusta F4 sa labas ng flower shop. Pagkabalik ko ng aking motorsiklo ay may nakaipit na envelope doon. Nang buksan ko ay isang invitation sa isang children's party. Invitation sa birthday ni Adeline. "Urgh!" Humiga ako sa malambot kong kama at tinitigan ang invitation. Ang cute ng picture dito ni Adeline. At kung ako ang tatanungin ay miss ko na nga ang masungit na batang ito. Pero kung pupunta ako ay ibig sabihin makikita ko ulit ang lalaking iniiwasan ko. Magpapadala na lang ako ng regalo. Hindi na lang ako pupunta— Biglang may nalaglag na isa pang papel mula sa envelope. Pinulot ko ito at binasa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD