Chapter 56 Where are you? I said come to the Tenebrous Palace now! You will do the plan! Everything is prepared! Don't try my patience, Hazel. I could break you if you dare disobey me. You know that. Binura ko ang mensahe ni King Azrael pagkatapos ko itong binasa. Desidido na ko na susunod ako sa payo ng aking ina. Wala pa akong plano kung paano siya maililigtas dahil hindi naman talaga ako magaling sa pagplaplano. Pero kapag nakagawa ako, tsaka ko siya itatakas. Habang wala pa ay dito muna ako sa palasyo ng Safronov. Humiling ako kay Queen Callisha nang pansamantalang matutulugan kong kwarto dito sa palasyo at walang pag-aalinlangang pinagbigyan niya ako. Muli kong binasa ang mensahe ng hari. I could break you if you dare disobey me. You know that. He might try breaking me, but I ai

