Chapter 58 Sa mga sumunod na araw ay ginawa ni Damien ang gusto ko. Hindi niya na ko kinakausap. Umiiwas na rin siya sa akin. Ang masakit pa ay hindi siya galit. Hindi niya ako pinapahiya. Masgusto ko pa na masama ang turing niya sa'kin para hindi ako masyadong maguilty. Para masmadali sa akin na kamuhian siya. Katulad ng dati ay si Agent Eve na ang nagtretraining sa akin. Patuloy pa rin si King Azrael sa pagtawag at pag-abot sa akin ng mensahe pero hindi ko siya pinapansin. Isang gabi ay papunta ako sa kwarto ni Queen Callisha nang tumawag sa akin ang aking ina. "Mom!" Hindi ko na natago ang aking saya sa pagtawag ni Queen Hannah. Kung dati ay kinamumuhian ko kapag lumalabas ang kaniyang pangalan sa aking cellphone ay ngayon ay inaabangan ko na ito. (How are you, Hazel? Are they trea

