Kabanata 17 Mabilis lumipas ang araw at mag-iisang buwan na rin ako sa trabaho ko ngunit hindi ko pa nakikita si Alfred. Minsan gusto ko na lang itanong kay Adam. Nasanay na rin ako na halos araw-araw ko siyang pinipilit para lang pumasok siya sa opisina. Hindi biro pala ang manirahan na mag-isa. Kaya nagpapasalamat ako na nakahanap agad ako ng trabaho dahil kung hindi ay nababaliw na ako. "Congratulations!" salubong nila Janice, Russell, Aaron at June sa akin paglabas ko ng elevator. Dahil sa kanila ay napapadali ang trabaho ko. Sa sobrang busy ko sa trabaho hindi ko na iniisip ang naiwan ko sa Valencia. Alam kong nag-aalala na sila sa akin. Akala ko hindi ako tatagal na mabuhay mag-isa, ngayon mas naiintindihan ko na si Abella mas magaan sa pakiramdam na hindi mo kailangan sumunod sa

