Kabanata 33 Napangiti ako noong sumalubong sa akin si Bella pagbukas nito ng pinto. Para talaga akong nakatingin sa salamin kapag nasa harapan ko ito. Dito na ito tumuloy sa condo ni Adam. Hindi ko alam kung paano pero alam ko na merong namamagitan sa kanilang dalawa. Umatras ito para makapasok ako sa loob. "Hindi ka na raw magpapahatid bukas?" "Magta-taxi na lang ako," agap na sagot ko sa kanya. "Puwede ka naman namin ihatid." Naglakad kami papasok at nagtungo kami sa kusina. Nadatnan ko si Chef Don ang chef ni Adam dito sa condo na nagluluto ng maraming pagkain. Inimbita kami nito para dito mag-dinner. "Huwag na!" Umiling ako sa kanya. "Sanay na ako mag-taxi." Matamis itong ngumiti sa akin. Inilapag ko ang cake na ginawa ko sa lamesa at nginitian ako ni Chef Don. "I'm excited to m

