Kabanata 38 Napahinto ako nang makita ang paa nito sa aking harapan. Tumaas ang tingin ko sa kanya at napaawang ang labi nang nakunot itong nakatingin sa akin. Mabilis akong umayos nang tayo at tumingin sa mga nagtatanong na mga mata nito. May dala itong maraming shopping bag na hindi ko alam kung para kanino. "Ba-Bakit ngayon ka lang?" hindi mapigilang tanong ko at hindi nawala ang takot sa aking mga mata. Sumulyap ako sa yate kung saan ito sumakay at palayo na ito sa amin. Naglakad ito patungo sa resthouse at sumunod ako sa kanya. "Di-Did you come to the city?" kuryosong tanong ko. Tumahimik ako nang huminto ito at tumingin sa akin. Muli itong nagpatuloy sa paglalakad kaya sinundan ko ito. "Whe-Where did you go? Does my parents already know that I am here?" Hanggang sa malapit na

