Kabanata 53 Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang puting dingding. Inilibot ko ang aking paningin sa malaking silid pero alam kong wala ako sa mansyon. Bumaba ang tingin ko sa aking kanan at nakita si Bella na natutulog habang nakapatong ang ulo nito sa kama ko. Gumalaw ito at minulat ang mga mata sabay tingin sa akin. Mabilis itong umayos nang upo at nag-aalala ang mukha. "Okay ka lang ba?" agap na tanong nito. "Iaangat ko ba ang kama mo?" Marahan akong tumango sa kanya at may pinindot na button kaya umangat ako. Sakto lang para maging mas komportable ako. "Kanina ka pa ba gising? Nagugutom ka ba?" nag-aalalang tanong nito. "Nasaan tayo?" Huminga ito nang malalim at hinawakan ang kanang kamay ko na malapit sa kanya. "Nasa hospital tayo. Tinawagan ak

