Kabanata 58 Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Wala akong numero niya o taong puwedeng tawagan para ikumpirma ito. Huminga ako nang malalim at napahinto nang may tumawag sa cellphone niya kaya nagpaalam muna ito para sagutin ang tawag. Kung gano'n nga ay wala na pala akong hinihintay. "Rafaella?" Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang tawag ni Mama sa aking likuran. Tumingin ako sa kanya na matamis na ngumiti sa akin ngunit hindi ko kayang ibalik ang ngiting binibigay nito. "Alfred is here. He wants to invite you for dinner before your flight tomorrow." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Mama. Hindi magandang tagpo ang huling pagkikita naming dalawa. Ba’t naman bigla na lang itong dadalaw? Umiwas ako ng tingin at ayoko na makita nito ako sa ganitong kalagayan. "He's waiting fo

