Huling Espesyal na Kabanata Rafaella "Ella" Dela Fuente – Silverio "What's bothering you?" marahang tanong sa akin ni Rage at naramdaman ko ang yakap nito sa akin mula sa likuran. Pinatulog ko na si Ric at nakatayo ako ngayon sa tapat ng bintana habang tinatanaw ang naglalakihang mga building sa labas. "Naalala ko lang kasi bigla si Alfred." Huminga ako nang malalim at naramdaman ko ang paghinto nito sa sinabi ko. Tipid akong ngumiti at humarap sa kanya na hinihintay ang sasabihin ko. "Nakita ko kasi siya kanina kung saan ako nag-grocery. Siya na pala ang may-ari ng supermarket na 'yon." Umigting ang panga nito at naging madilim ang kanyang mukha. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi at huminga ako nang malalim. Kilalang-kilala ko na ito at nababasa ko na rin ang nasa isipan niya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


