Kabanata 26 Buong gabi kong pinag-isipan ang desisyong ito. Nagpasya na ako na magre-resign sa trabaho ko. Sumulyap ako kay Alfred na nakatuon ang mga tingin sa daan. Inabot ko ang mainit na kamay nito na nakapatong sa manibela. Nabigla ito sa ginawa ko at napangiti. Ipinagsalikop nito ang mga kamay namin habang ibinalik nito sa harapan ang tingin niya. Nasasaktan ko na ba siya ng hindi ko nalalaman? Pinisil ko ang kamay nito kaya mabilis itong sumulyap sa akin. Sinalubong ko ito nang ngiti. Ayokong makita nito sa aking mga mata ang nangyari kagabi. Marahan nitong hinalikan ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa kanya. Kumirot bigla ang puso ko at umiwas ng tingin sa kanya. Noong huminto ang sasakyan sa basement ay hindi ako makagalaw. Nakataas ang kilay nito na sumulyap sa akin. I ga

