Espesyal na Kabanata 1 Alfredo (Alfred) Montenegro III "I-I'm Rafaella Dela Fuente, you can call me Ella." The first time I laid my eyes on her innocent face. My heart started to beat unexpectedly and I know she's the one. Or, I just thought? Hindi ko inakala na kaya kong maghintay ng ilang oras para lang makita siya bago ako umuwi ng Manila. "May darating na bisita ang magulang niya, Sir Alfred. Gobernador ito rito at talagang makapangyarihan," bungad na wika sa akin ni Selso habang nakatayo ako sa dalampasigan at naghihintay sa pagpunta niya. "Hindi ako sigurado kung makakapunta si Señorita Rafaella." Huminga ako nang malalim at mahigpit kong hinawakan ang lalagyan na kwintas na hawak ko. Napailing ako at napamura. Sa dami ng araw na puwedeng umuwi ang magulang niya ngayon pa! "I

