Kabanata 3
"Sure, I will wait for it."
Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang sinabi nito. We just met a couple of weeks, at hindi na nito ako pinapatulog sa kanyang mga ginagawa.
I need to focus on my paperwork. Why were his words so sincere? I still can feel it.
"Tulala ka d'yan?" puna ni Katya sa akin habang nasa balcony ako ng aking silid at nakasulyap sa malawak na dagat.
I sipped on my hot chocolate before I turned to her, na nasa kanang bahagi ko.
"Huh?" nakataas na kilay na tanong ko.
"Tumawag si Bella kanina, kinakamusta ka. Iaabot ko sana sa 'yo, pero nagmamadali siyang pumasok sa trabaho niya."
Tumango ako sa sinabi niya, at muli akong uminom sa aking hot chocolate. Hindi na kami madalas mag-video call ngayon, naging hands-on na rin ako sa mansyon dahil wala sina mama. Busy rin ito sa trabaho niya sa isang bangko sa Cebu.
"Gano'n ba? Hindi ko na rin siya madalas makausap dahil naging busy na rin ako. I will try to call her tonight."
Tumango ito, at sumulyap sa akin. "'Nga pala, na-approve na ba ni Mr. Montenegro 'yong deal ninyo?"
Napahinto ako sa pag-inom ko, at huminga nang malalim. Naalala ko na pupunta na naman siya muli ngayon.
Huminga ako muli nang malalim at ngumiti sa kanya. "Malapit na."
Itinaas nito ang kanang kilay niya. "Mukhang masyadong kinakain n'yan ang oras mo, huh?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nito at inisang lagok ko ang natitirang hot chocolate sa basong hawak ko. Kahit sa totoo lang ay hindi ako sigurado na maa-approve nga niya.
"Maliligo lang ako," paalam ko sa kanya at inilapag ang hawak kong mug sa maliit na mesa sa tabi ko.
"At mukhang... siya ang laman ng isipan mo," dugtong pa nito na hindi pa ako nakakalayo sa kanya.
Huminto ako sa paghakbang, at humarap kay Katya na kuryoso ang tingin sa akin. Mukhang naghihintay nang isasagot ko.
"Oo naman. Iniisip ko kung paano ko siya mapapapayag. Unang-una, malaking pagkakataon ito para sa negosyo ni Dad," wika ko at nakahinga nang maluwag dahil mabilis akong nakakuha ng palusot sa kanya.
"Talaga ba? Required rin bang ngumiti habang iniisip siya?"
Napakurap ako sa tanong niya at umiwas ng tingin. Hindi ko namalayan na naka-ngiti ako kanina!
"Ano bang pinagsasabi mo?!" pabirong anas ko.
"Kuryoso lang ako. Bakit niyayaya ka niyang kumakain sa labas? Parang hindi ako kumbinsido na dahil lang sa negosyo."
Ngumuso ako, at sumulyap sa kanya na nakataas ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha.
Tumikhim ako at naramdaman ang dahan-dahang pagbilis nang t***k ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko tuloy hinuhuli nito ako sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.
But, why I feel so guilty? E, wala naman kaming ginagawang masama. He is being good to me, and I am enjoying his presence.
"Wa-Wala, we just talk about the deal..." I nodded trying to convince her. "And some techniques on how to properly handle crops."
Tumango ito, ngunit bakas sa mukha nito na hindi pa rin ito kumbinsido.
Umiling ako nang mabilis. "Ba't ba ako nag-e-explain sa 'yo?" anas ko sa kanya, at ramdam ang bilis nang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Tumawa ito sa aking reaksyon at umiling. "Mukhang kabado ka, Señorita Rafaella. Nagtatanong lang ako, masyado kang seryoso!" Napansin ko ang multo nang ngiti sa labi nito na mas lalo kong kinainis.
"Call me, Ella! You're creeping me out by just calling my name!" anas ko, at padabog na naglakad patungo sa aking walk-in closet upang maiwasan ang makahulugang tingin nito.
Dinig ko ang halakhak nito mula sa balcony at napailing na lamang ako sa kanya. Pagpasok ko sa aking walk-in closet ay damang-dama ko pa rin ang mabilis na kabog ng aking dibdib.
* * *
Mabilis akong umayos sa aking pagkakaupo sa aking swivel chair nang marinig ang katok nito sa aking pinto. Alas nuebe na ng umaga, at gaya ng sinabi niya kahapon ay ganitong oras nga ito tutungo sa aming mansyon.
Pagbukas nito ng pinto ay hindi ako makagalaw. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero naiilang ako sa presensya niya. Bigla ko kasing naalala iyong tanong sa akin kanina ni Katya.
Marahan akong tumango, at napansin ko ang pagsulyap nito sa mga report na inaayos ko sa aking lamesa.
"Are you busy?" mababang tanong nito sa akin.
Napaawang ang labi ko sa tanong niya, at mabilis na inayos ang report papers sa aking table. Sinikap kong maging panatag ang aking dibdib, dahil ayokong mapansin nito ang aking pagkabalisa. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong naalala ang multo nang ngiti ni Katya kanina dahil sa tanong nito ukol sa kanya.
"N-No, hinihintay kitang dumating--" napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat noong mapagtanto ang aking nasabi. Huminga ako nang malalim at umiling nang mabilis. "I-I mean, I am preparing our deal!"
Napansin ko ang pagtaas nang sulok ng labi nito, at ang pag-ngiti ng mga mata niya. "You're blushing."
Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya, at ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. My gosh Ella, get a hold of yourself. You're too obvious! Your mind is too preoccupied with his presence!
I sighed and awkwardly smiled at him. "That's... just a blush-on."
Tumikhim ito at marahang tumango. "So, can I check on our agreement?"
Mabilis akong tumango, at mariin ang pagdikit ng aking mga labi habang kinukuha ang agreement na hinanda ko para sa kanya. Thank God dahil hindi nito narinig ang sinabi ko.
Inilahad ko sa kanya ang kasunduan namin.
Sa totoo lang, hindi umaabot ng apat na araw ang pag-close ng deal nila Papa sa mga customer. Pero, ako? Halos magdadalawang linggo na hanggang ngayon ay wala pa rin kaming napag-uusapang mabuti. Hindi pa nga ako sigurado kung pipirmahan niya ito.
"Food crops lang ba ang inoo-offer n’yo?" tanong nito na umupo sa sofa sa tapat ng aking table habang hawak ang papel na inabot ko sa kanya.
Luminga-linga ito sa office ko na para bang sinusuri ang bawat sulok nito, bago muling ibalik sa akin ang tingin nito.
Nagkibit-balikat ako bago sumagot sa tanong niya. "We're offering cash crops too, but my Dad limit it for foreign customers. Their offer was higher too, compared to the local. Dahil masyadong maraming kompetisyon dito sa 'tin, my Dad wanted to turn his plantation into a farm. He is actually, starting to raise horses too."
Tumango-tango ito. "That's great! I am looking forward to building my own farm."
Binigay ko ang buong atensyon ko sa kanya. "Talaga? Saan naman kung gano'n?"
"Pinag-iisipan ko pa. I am still looking for the perfect place to buy a lot. Ikaw saan ba ang mas gusto mo? Do you have any suggestions? I mean, I am considering the opinion of others."
Umawang ang labi ko sa biglang tanong nito, kumurap ako at nagkibit-balikat. "Hindi ko alam, hindi ako makakatulong sa 'yo pagdating sa ganyan. Hindi ko alam kung saan mas magandang magtayo ng farm, o bumili ng lupa."
Napansin ko ang marahang pagtawa nito.
He glanced at the agreement and nodded his head slowly. "May gagawin ka ba mamaya?"
Kumunot ang noo ko sa tanong nito.
"Huh?"
"Let's have lunch, again? Doon ko sasabihin if I agree with your proposal."
Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi nito habang ang tingin naman nito ay naglalaro sa aking opisina. Hindi ko mapigilan ang pagtaas nang sulok ng mga labi ko, at napailing sa mga sinabi nito.
Hindi na ako makatanggi sa kanya nang maghintay ito hanggang alas onse para lamang hintayin akong matapos sa aking ginagawa. Huling report na lang ang pipirmahan ko nang sumulyap ako sa kanya na nakaupo sa sofa. Napangiti ako noong nakapikit ang mga mata nito at mukhang nakatulog na sa paghihintay sa akin.
Talagang hinintay niya ako...
Dahan-dahan kong inayos ang mga report na natapos ko na ngayong araw. Sa totoo lang, tinapos ko na lahat ng gagawin ko para puwede akong umalis sa opisina ng ilang oras. Tutal ay natapos na rin ang mga delivery namin nitong nakaraang araw at walang client na naka-schedule na darating ngayon.
Dahan-dahan akong tumayo at maingat akong gumagalaw upang hindi ako makalikha ng ingay baka kasi magising ko ito. Naglakad ako patungo sa kanya.
"Alfred?" pabulong na wika ko at hindi man lang ito gumalaw sa kinauupuan niya.
I can't stop myself from walking towards him, at napangiti ako noong masilayan ang maaliwalas na mukha nito. Sobrang tangos ng ilong nito na tila ba ay pinaglalaanan ng oras para maging ganito ka perpekto.
Nanlaki ang mata ko noong bigla nitong idinilat nang dahan-dahan ang mga mata niya. Napasigaw ako sa gulat na naging dahilan nang pag-out of balance ko dahil sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.
Naramdaman ko ang mainit na kanang kamay nitong humawak sa kaliwang siko ko upang mapigilan ako sa pagtumba. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Dahil sa kanyang ginawa ay napaupo ako sa mga binti nito.
Malalim at mapungay ang mga mata nito na tumingin sa akin. Halos hindi ako makahinga nang mabuti dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. Umiwas ako nang tingin at huminga nang malalim dahil hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang aking paghinga.
"Al-Alfred, I'm trying to wake you up--"
"I know," he murmured with his husky tone, cutting me off in my mid-sentence.
Bigla ko muling naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa posisyon naming dalawa. His face is really close to mine. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa.
"I bet, that's still a blush-on," nakangising puna nito at mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
Mabilis akong tumayo habang habol-habol ko ang aking paghinga.
"Oo ‘no!" anas ko at umiwas ng tingin sa kanya.
Napahinto ako noong marinig ang munting tawa nito.
"Nagugutom na ako, tara na!" Pag-iwas ko sa nangyari at nagtungo sa lamesa ko upang kunin ang bag ko.
Nainis ako sa kanya noong makita ang pilyong ngiti nito habang hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan nito. Umirap ako sa kanya at naglakad na patungo sa pintuan. Alam kong pulang-pula ngayon ang pisngi ko dahil sa nangyari. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong isipin niya na pinagmamasdan ko siya kanina.
Umirap ako sa kawalan dahil naiinis ako sa sarili ko.
"Hey! You're walking too fast!" habol na saad nito sa akin.
Ngunit hindi ko siya pinansin, at nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng opisina.
"Señorita Rafaella?" he called me in his hard tone voice.
Bigla akong huminto at sumulyap ako sa kanya na napahinto rin sa paglalakad. "We need to make it fast. I already want to know your answer to my proposal."
Nagbuntonghininga ito at tumango. Nagulat ako noong inilan hakbang nito ako at hinawakan ang kanang kamay ko. Hindi ako nakapag-protesta sa bilis ng pangyayari. Gulat na gulat ako sa kanyang ginawa.
The next thing I knew, hila-hila nito ako palabas ng office.
"Al-Alfredo!" pagpipigil na saad ko sa kanya dahil baka makita kami ng ilang trabahador dito sa amin. Mahirap na at baka ano pa ang isipin ng mga ito.
Iginiya nito ako papasok sa limousine nito. Nakahinga ako nang maluwag noong sinara nito ang pinto ng sasakyan dahil wala akong nakitang kahit isa sa mga trabahador namin. Mabuti na rin iyon at baka makarating pa ito kay mama.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko pagpasok niya sa loob.
"Guess it. We will find someplace to unwind!"
"Kailangan ba na sa ibang lugar pa natin pag-usapan ang deal?"
He leaned closer to me while raising his eyebrows. "Are you really serious about the proposal?"
Umirap ako sa sinabi nito at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. "Alfredo!"
Itinaas nito ang dalawang kamay niya sa ere bilang pagsuko. Napailing ako sa ginawa nito at natatawa naman ito.
"Okay, calm down. I'm just breaking the ice, you're too serious."
Huminga ako nang malalim at sinandal ang likod ko sa malambot na couch ng limousine nito.
"You're not rejecting my proposal, aren't you?"
He started to burst out of laughter, and I can't stop myself from rolling my eyes again. Ewan ko ba kapag kasama ko siya nagiging ibang tao ako. I can't control my real emotions.
"Bakit mo ba minamadali ang lahat, Señorita?" He stopped and I looked at him. "I have at least-- two weeks to stay here in Valencia."
Napahinto ako sa sinabi nito. "That's great. At least you can start to manage your business. Hindi ka ba nabo-bore dito sa Valencia? It's far from crowded places like Manila."
Umupo ito nang maayos at tumingin sa harapan. "I'm used to it! I'm loving the place," wika nito.
Tumango ako sa sinabi nito. "I'm glad to hear that."
Tumikhim ito at umiwas ng tingin. "Can I ask you a favor?" pahayag nito at muli akong sinulyapan.
Kuryoso kong itinaas ang kanang kilay ko. "Favor? Hmm… Kung kaya ko naman, why not?"
Pansin ko ang pag-aalangan nito dahil hindi ito makatingin sa akin nang mabuti.
"What is it? Is it about the deal?" I asked again.
Tumikhim ito at dahan-dahan itong tumingin sa akin.
"Can I... visit you more often? At least, before I leave?"
Ilang segundo pa bago ko na-proseso ang sinabi nito. Hindi ko napigilan ang pag-awang ng labi ko sa pagkabigla at dahil doon ay nahumarantado sa bilis ng t***k ang dibdib ko.
He caught me off guard.
Umiwas ako ng tingin dahil sa makahulugang tingin nito.
Why is my heart beating too fast?
Marahil ngayon ay pulang-pula na naman ang pisngi ko, at hindi ko alam kung maniniwala pa ito na blush-on 'to.
"Su-Sure..." I stuttered and I tried to control myself.