Kabanata 45 Nagising ako nang wala na ito sa tabi ko. Hindi ko alam pero sobrang gaan nang pakiramdam ko. "Magandang umaga po, Ate Tes," nakangiting bati ko nang madatnan ko ito sa kusina. Humarap ito sa akin at matamis ang ngiti. "Maganda umaga rin, Hija." Sumulyap ako sa lamesa at maraming pagkain ang nakahanda. "Bakit hindi po kayo pumunta rito kahapon?" nagtatakang tanong ko. Huminto ito sa paglilinis ng plato at tumingin sa akin. "Hindi kami pinapunta ni Rage." Ngiti nito sa akin habang nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Ang sabi nito sa akin ay baka marami silang ginagawa kaya hindi sila nakapunta. "Ga-Gano'n ho ba? Bakit po? Nasaan ho pala siya? Ang dami n'yo pong inihandang pagkain." Ngumiti ito sa akin at lumapit sa lamesa. "Birthday kasi niya kahapon, kaya naisip

