CANDICE POV
“Oh ano kamusta ang trabaho at paghahabol mo kay Liam?” taas kilay na tanong ni Emma sa akin. Pabagsak kong iniupo ang sarili sa sofa.
“Hindi ko pa siya nakakausap. Laging bigo.”
“Sinasabi ko naman kasi sayo eh, hindi na siya ngayon ang asawa mong si Liam, Candice pinapagod mo lang ang sarili mo sa kakahabol jan sa dati mong asawa.” Nanenermon niyang aniya. Bumuntong hininga naman ako. Maaga pa naman kaya maya maya lang ako papasok.
“Makakausap ko rin siya, masyado lang talaga siyang busy kaya labas pasok sa kompanya niya.”
“Itutuloy mo pa rin ang paniningil sa kaniya? Baka sa sobrang dami ng empleyado niya ikaw ang mapasama Candice, hindi ka nila maiintindihan.” Alam ko naman, tama naman siya dahil pati nga bago nagkakagusto na agad sa kaniya eh, napapangiwi na lang ako sa tuwing pupurihin siya pero hindi ko naman kasi maikakaila na ang laki na ng pinagbago niya. Hindi na nga siya yung dating Liam pero hindi ako susuko sa kaniya tsss. Hindi lang siya ang naghirap, ako ang bumuhay sa kaniya na dapat siya ang gumawa.
“Hindi ko siya guguluhin Emma, huwag kang mag-alala hindi ako manggugulo sa kaniya.” tumayo na ako at kinuha na ang mga gamit ko para pumasok.
“Candice naman, magtrabaho ka na lang dun pero huwag mo ng guluhin si Liam.”
“Emma please lang, hindi ko siya guguluhin.”
“Natatakot lang akong baka masaktan ka nanaman ng dahil sa kaniya. Paano kung iwasan ka niya?” napaisip naman ako sa sinabi niya, gawin niya ang gusto niya pero hindi ko siya titigilan.
“Papasok na ako.” tanging nasabi ko na lang sa kaniya saka lumabas ng bahay at nag-abang ng taxi.
Nakarating ako ng kompanya niya at panay ang tingin ko sa paligid ng may makabangga ako.
“Pasensya na, hindi ko sinasadya.” Yukong saad ko kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
“Mag-iingat ka sa susunod Miss.” Napayuko na lang uli ako at napabuntong hininga ng umalis na siya. Tiningnan ko naman ang lalaking nakabunggo ko at palabas siya ng kompanya. Dumiretso na lamang ako ng department namin at nandun na rin ang ilan kong mga katrabaho.
“Good morning Candice.” Bati sa akin ni Grace.
“Good morning.”
“May sakit ka ba? Bakit parang ang lamya mo naman sumagot?” pilit ko siyang nginitian.
“Okay lang ako, may iniisip lang.” Napatango na lang siya saka bumalik sa ginagawa niya. Kinuha ko na rin ang mga papel na nasa harapan ko saka binasa. Habang busy kaming lahat sa mga ginagawa namin ng may biglang umagaw ng atensyon namin ng magsalita si Ms. Abby.
“Good morning ma’am.” bati niya kaya sinilip din namin yung binati niya.
“Good morning everyone, mukhang pinapahirapan kayo ni Liam this month ah.” Nakangiti niyang sabi. Siya yung babaeng nakita ko sa office niya kahapon. Sino ba siya? Base pa lang naman sa itsura niya galing na talaga sa mayamang pamilya baka anak ng mga kasosyo ni Liam.
“Ah hindi naman po ma’am, bakit po pala kayo nandito? Babalik na po ba kayo?” natigil ako sa ginagawa ko at nakinig sa mga usapan nila. Curious lang ako sa kaniya kung sino ba siya. Kung gaano sila magkakilala ni Liam.
“Ah next week pa ako babalik, ayaw kasi akong payagan ni Liam na bumalik kaagad eh.” Para pang kinikilig niyang aniya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mainsecure.
“Ang sweet talaga ni Sir Liam.” Dagdag pa ni Ms. Abby, napakagat labi naman yung babaeng kausap niya.
“Sino kaya siya?” kuryoso ring tanong ni Grace pero inilingan ko siya.
“Siya nga pala, everyone attention here.” Palakpak ni Ms. Abby kaya tumingin kaming lahat sa kaniya at sa babaeng kasama niya. Malamang malaki rin ang role niyan dito.
“This is Ma’am Lyra, daughter of the Director.” Pakilala niya sa babae. Humarap naman siya sa amin at isa isa pa kaming tiningnan. Nang magtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako kaya bahagya ko rin siyang nginitian.
“Hello everyone, nice to meet you all. Sana makabalik na ako next week.” Napakahinhin niya magsalita, malamang mga tipo ni Liam. Napabuntong hininga na lang ako, ano bang pakialam ko sa kanila? Basta ako nandito ako para sa pera ko, wala ng iba. Ang nakaraan ay nakaraan wala ng balikan.
“Nice to meet you too Ma’am Lyra.” Usal din ng iba pero hindi ko na sila pinansin pa. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko kesa ang makinig at bigyan sila ng pansin. Ano naman ngayon kung anak siya ng Director. May magbabago ba? Mababago ba niya ang buhay ko? hindi naman diba? Tssss.
Nagtrabaho na lang ako ng nagtrabaho at sinunod lahat ng utos ni Ms. Abby.
“Hoy okay ka lang? Kanina ka pa walang kibo jan.”
“Paano ako kikibo eh pareho tayong nagtatrabaho, ikaw talaga oo.” Natatawa kong saad sa kaniya.
“Eh hindi ka kasi nagsasalita eh, ang tahimik mo sobra.”
“Trabaho na nga lang tayo kung ano ano pa iniisip mo eh.”iiling iling kong saad. Tumango na lang siya saka bumalik sa ginagawa niya. Tinapos ko naman na yung gawain ko ng tawagin ako ni Ms. Abby.
“Candice.”
“Yes ma’am?”
“Come here.” Tumayo naman na ako ng mahagip ko ang isa sa mga katrabaho kong nakatingin sa akin. Ng magtama ang mga tingin namin ay inirapan niya ako. Napakunot na lang ang noo ko, anong ginawa ko dun?
“Candice?”
“Coming po.” Usal ko saka pinagsawalang bahala na lang iyun.
“Pakihatid ito sa HR department.” Abot niya sa akin ng mga folder.
“Sige po Ma’am.” Lumabas naman na ako ng department namin. Nilingon ko pa ang kaliwang daanan pero wala naman iyung mga tao. Tumalikod na lang ako saka ako bumaba ng ikalimang palapag para sa HR department.
“Excuse me po?” agaw atensyon ko sa kanilang lahat. Nakalimutan kong tanungin si Ms. Abby kung kanino ito ibibigay, hindi niya rin naman kasi sinabi, tsss.
“Yes?”
“Ah pinapabigay po kasi ni Ms. Abby ito dito.” Sagot ko, lumapit naman sa akin yung babaeng sumagot sa akin. Kinuha niya naman ang mga hawak kong folder.
“Salamat.” Anas niya, yumuko na lang ako saka lumabas din ng department nila. Nandito ako para singilin si Liam tutal naman ay barya na lang sa kaniya iyun, pero hindi ko maiwasang hindi mag-isip kung sino si Ma’am Lyra sa kaniya? Nakita ko siyang nandun sa office ni Liam at kung paano siya kiligin sa mga kwento niya kanina sa department namin hindi ko maiwasang hindi macurious kung anong relasyon nilang dalawa.
Wala naman na akong nararamdaman kay Liam dahil nalubos niya na noong panahong kaming dalawa pa lang. Ramdam ko rin naman ang pagmamahal niya sa akin pero masyado lang siyang naadik sa paghahabol niya sa pangarap niya at nakalimutang may asawa pa lang naghihintay sa kaniya. Bumuntong hininga na lang ako.
Nakarating ako ng harap ng elevator at naghihintay na bumukas ito. Nakayuko pa akong nilalaro ang mga daliri ko. Ano nga bang una kong sasabihin kay Liam oras na nagkita kami? Sasabihin ko bang nandito ako para singilan ka? Parang nagmukhang pera naman ako nun.
Nang bumukas na ang elevator ay papasok na sana ako ng makita ko kung sino ang laman nun. Hindi ko alam pero yung kabog ng dibdib ko parang sasabog na sa sobrang lakas. Nanlaki rin ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Alam kong maging siya ay nagulat. Hindi ako agad nakagalaw, ni walang lumalabas na salita sa aking bibig. Tila tumigil ang ikot ng mundo sa pagitan naming dalawa. Two years since we separated, two years since I filed divorce to us and here we now, surprise seeing each other.
Ito yung gusto ko diba? Yung magkita kaming dalawa at singilin siya, hinahabol ko kapag nasa malayo siya pero bakit walang lumalabas na kahit na ano sa bibig ko! ni hindi ko maikurap ang mga mata ko. Pareho kaming gulat na nakatingin sa isa’t isa. Tila wala na rin akong marinig sa paligid kundi ang mabibigat kong hininga at ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Huminto ang ikot ng mundo dahil ilang minuto na kaming ganito pero hindi rin nagsasarado yung elevator. Ni wala ring dumadaan o lumalapit na tao sa paligid namin. Tanging siya na lang ang nakikita ko.
Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at humugot ng malakas na hininga. Narinig ko naman ang pagtikhim niya.
“Ahh.” Halos gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala akong maisip na sabihin! Timang ka talaga Candice!
“Yes?” pormal niya lang na usal sa akin, kunot noo ko siyang tiningnan pero wala man lang emosyon ang mukha niya. Nawala na rin ang gulat na reaksyon niya. “Is there anything you need?” pormal at walang emosyon niya pa ring saad.
Ha! ngayon kakausapin niya ako ng pormal? Hindi porket boss ko siya ngayon ay gagawin ko na rin ang ginagawa sa kaniya ng empleyado niya!
“Long time no see huh?” sarkastiko kong saad sa kaniya. Napahawak naman siya sa necktie niya saka niluwagan iyun.
“Anong ginagawa mo rito?” inilibot pa niya ang paningin niya bago uli tumingin sa akin.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito?” taas kilay kong saad sa kaniya. Ang ganda ganda na ng buhay mo samantalang ako ganto na lang. Nawala lahat ng savings ko dahil sa letseng pangarap mong yan!
“Nagtatrabaho ka rito?” mahina niyang tanong, ewan ko kung nasira na ba yung elevator o ano dahil hindi na rin nagsasarado, siya nasa loob habang ako nasa labas.
“Siguro hindi? Ayos ah, ganda na ng buhay mo.” Saad ko habang pinasadahan siya ng tingin simula ulo hanggang baba. Tumikhim naman siya at umiwas ng tingin sa akin.
“Let’s go Sir.” Napatingin naman ako sa gilid ko ng magsalita ang lalaking lagi kong nakikitang kasama niya. Lumabas naman na si Liam sa elevator at nilampasan ako.
“Hoy teka, Liam!” tawag ko sa kaniya saka siya hinabol kaya napatingin din sa akin itong lalaking ito.
“Do you know her Sir?” nagtatakang tanong ng kasama niya.
“No, excuse me Miss. Marami akong dapat gawin.” Pormal niya nanamang saad saka naglakad.
“Teka!” usal ko pero hinarangan na ako ng dalawa niyang bodyguard! Bwesit!
“Ano raw po kailangan niya? Sino ba yun?” rinig ko pang usapan nilang dalawa. Pilit naman akong kumakawala sa dalawa niyang bodyguard pero sadyang malalakas sila at dalawa pa.
“I don’t know her, siguro empleyado rito.” Napasipa na lang ako sa dalawang bodyguard niya. Bwesit ka talaga Liam! Hindi pala kilala ha? sige! Makikita natin kung hindi mo nga ako kilala!
“Miss hindi mo kilala ang kinakalaban mo, kung nagtatrabaho ka dito umayos ka baka matanggal ka kaagad.” Sinamaan ko naman ng tingin itong dalawang ito. Binitawan naman na nila ako saka mabilis na sumunod sa boss nilang bwesit!
Napapabuga na lang ako ng hangin dahil sa kaniya. Paanong hindi mo ako kilala?! Tandaan mo magkikita pa tayo, gagawin kong maliit ang kompanya mo para lagi mong makikita ang pagmumukhang ito! Itaga mo iyan sa bato!
Grrrrrr! Nakakagigil. Inis akong pumasok sa elevator at bumalik ng department namin. Pabagsak ko pang iniupo ang sarili sa upuan ko at kunot noong nakatingin sa computer sa harap ko. Nanggigigil talaga ako sa kaniya! Ganun pala ha? hindi mo ako kilala. Sige hayaan mo ipapaalala ko lahat sayo!
Nang matapos kaming mananghalian ay bumalik din kami sa department dahil may meeting daw kami. Papasok na sana kami sa department namin ng makasalubong naming palabas naman ang mga ilan naming kasama.
“May meeting daw ang team natin sa conference room.” Saad sa amin ng isa kaya sumunod na lang kaming dalawa ni Grace. Nagtungo naman na kaming lahat dun kasama rin namin si Ms. Abby.
“Hintayin lang natin si Sir.” Saad ni Ms. Abby. Naghintay naman kami sa sinabi ni Ms. Abby na Sir? Hindi niya naman sinabi kung sinong Sir iyun. Nang bumukas ang pintuan ay sabay sabay kaming nagsitayuan at nagsalubong nanaman ang mga tingin namin sa isa’t isa. Napangisi naman ako dahil siya pala ang makakameeting namin ngayon. Akalain mo nga namang maglaro ang tadhana. Gagawin ko talagang maliit ang mundo nating dalawa hangga’t hindi mo ako nababayaran. Kung sabagay hindi ko pa naman pala nasasabi sa kaniya kung anong pakay ko sa kaniya.
“Good afternoon Sir.” Bati nila. Iniwas niya naman na sa akin ang paningin niya saka umupo at senenyasan kaming maupo na rin.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nais ko lang sabihin na gusto kong magconduct kayo ng research at ang mga costumer ang magiging respondents niyo. Gusto ko ring gumawa kayong lahat ng sample flyer at mamimili ako ron. Gumawa rin kayo ng marketing plan. Abby ikaw na bahala mag-assign sa kanilang lahat.” Saad niya. Nakatitig lang ako sa kaniya at napapatingin din siya sa akin minsan pero panandalian lang iyun. “Pagbutihin niyo ang mga trabaho niyo, gusto kong mas gumanda pa ang serbisyo natin sa mga customer natin. Tandaan niyo department niyo ang nakasalalay dito, educate with your content, invest in original research. We need to improve our customer service. Understand?”
“Yes Sir.” Sagot naman naming lahat sa kaniya. Marami pa siyang sinabi sa amin na kailangan naming gawin. Dahil nagtatrabaho naman ako dito kailangan ko ring makiparticipate dahil paano pa ako makakalapit sa kaniya kapag tinanggal ako sa trabaho ko.
Natapos ang meeting namin, mabilis din siyang lumabas ng conference room. Akala mo may naghahabol sa kaniya. Tssss.
“Grabe ang gwapo gwapo talaga ni Sir, kaso may relasyon ata sila nung anak ng Director. Yung si Ma’am Lyra.” Daldal nanaman ni Grace.
“Paano mo nasabing may relasyon naman sila?”
“Eh kasi naman the way she talked about Sir Liam parang may something.”
“Malay mo sadyang ganun lang talaga sila. Huwag ka nga issue jan.” Usal ko, nagkibit balikat lang naman siya. Bumalik na lang uli kami sa trabaho namin. Panay din ang utos sa akin ni Ms. Abby pero okay lang dahil nakakalabas ako ng department namin. Nagkakaroon ako ng chance para hanapin ang bakulaw na iyun.
Habang naglalakad ako ay nakita ko nanaman ang likod niya, likod mo pa lang kilala ko na. Mabilis naman akong tumakbo at hinarangan siya sa paglalakad. Napangisi naman ako ng magulat nanaman siya ng makita ako pero panandalian lang iyun. Mabuti na lang at wala kang kasama ngayon.
“Oh ano? Hindi mo pala ako kilala ah? Baka gusto mong ibulgar ko kung anong meron sa pwet mo?” saad ko sa kaniya na mas nakapagpalaki ng mga mata niya. Inilibot niya nanaman ang paningin niya bago ako tiningnan.
“Please Miss. Maayos akong nagtatrabaho dito kaya sana umayos ka rin sa pagtatrabaho mo. Baka nakakalimutan mong Boss mo ako.”
“Eh anong pakialam ko kung Boss kita. Nandito lang ako para singilin ka tutal barya lang naman sayo yun eh. Bigay mo na lang pera ko aalis ako rito.” Bumuntong hininga siya saka walang emosyon niya akong tiningnan.
“I’m sorry pero hindi ako nagbibigay ng pera sa mga hindi ko kilala. Do I know you?”
“Ha!” napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Kung makatanong akala mo hindi ako kinausap kanina.
“Pwede ba Liam pagod na ako makipaglaro sayo. Huwag ka ng magpanggap na hindi mo ako kilala. Wala namang tao dito oh.” Saad ko saka inilibot ang paningin.
“Miss magtrabaho ka sa kompanya ko at bibigyan kita ng sweldo. Masyado mo na akong inaabala.” Usal niya saka niya ako tinalikuran.
“Hoy teka!”
“Candice!” napalingon naman ako sa tumawag sa akin at si Grace pala. Tiningnan ko uli si Liam pero wala na siya. “Hoy ano pang ginagawa mo dito?” sinundan din ni Grace ang tinitingnan ko pero hinila ko na siya. “Sino yung kausap mo kanina?”
“Ah ano wala, empleyado rin dito nagtanong lang.” Pagdadahilan ko pero ang loka tiningnan ako ng nang-aasar.
“Ikaw ah? May hindi ka sinasabi sa akin.” Pang-aasar niya. Hinila ko na lang siya palayo at tumingin pa ako sa likod ko pero wala na talaga si Liam. Ang bilis naman nun magtago. Tsss.