CANDICE POV Inilibot ko ang paningin ko sa silid at alam ko namang nasa hospital nanaman ako. Napangiwi na lang ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko sa tagiliran. Tatayo sana ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya tiningnan ko iyun. Nakita ko naman si Liam na mahimbing pang natutulog habang hawak-hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako dahil hindi niya ako iniwan kahit na gugustuhin niya. Ang amo niyang tingnan kapag tulog, ang lalaking paulit ulit na nakakapagpatibok ng puso ko kahit na matagal na kaming hiwalay. Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang nakita ko noong gabing iyun. Halos hindi ako nakatulog, pabalik na sana ako nun ng makita ko silang dalawa ni Ma’am Lyra at ikinakabit niya ang isang kwintas. Malamang ibinigay niya iyun, moment nilang dalaw

