“Sigurado ka bang okay ka lang Candice?” tanong ni Grace dito dahil tahimik ito at ramdam mo ang ibang aura niya. Pilit namang nginitian ni Candice si Grace. “Ayos lang naman ako, huwag kang mag-alala. May hinahanap lang kasi ako pero hindi ko makita.” Wika niya kaya mas lumapit sa kaniya si Grace. “Ano bang hinahanap mo?” tanong niya habang nagtitingin din sa cubicle ni Candice kahit hindi niya naman alam kung anong hinahanap nito. “Hindi ba at pinaggawa tayo ng flyer, iniwan ko kasi yun dito pero wala na eh, hindi ko na makita.” Saad niya habang iniisa isa pa ang mga gamit niya at ang mga papel. “Nakita ko nga yun kahapon pero baka naman naiuwi mo?” umiling naman sa kaniya si Candice. “Hindi ko iyun naiuwi, naiwan ko yun dito. Kulang na ako sa oras kapag inulit ko yun dahil ano

