Dominick Pov,.
Sinundan ko na lang ng tingin Ang kaybigan ni Lyn habang papalayo,
Napaupo Ako sa lupang kinatatayuan ko, at hindi ko namamalayan na biglang may bumagsak na mainit na likido sa likod ng aking kamay, actually ini expect ko naman talaga itong mangyari kaya nga ako bumalik dito dahil nararamdaman kong kaylangan niya ako,. Piro bakit ganito nakakaramdam ako ng guilt sa sarili ko, dahil sa sinabi ng Kaybigan niya,nang dahil sa akin nasira ko ang mga pangarap niya,at ngayon nahaharap kami sa isang malaking pagsubok, hindi ko rin alam kung kaya ko siyang panindigan,at maging responsableng ama sa maging anak namin, hindi ko alam kong anong nararamdaman ko para sa kanya, hindi ako sigurado para sa nararamdaman kong ito, ano bang gagawin ko,
Nailamos ko ang aking kamay sa aking mukha at tumingala sa langit na ngayon ay nagniningning Ang mga bituin sa buong kalangitan,
Dom,,, tawag sa akin ng isang pamilyar na boses , at alam kong Ang kuya ko Ang lumalapit sa akin,
lumingon ako para malaman niyang narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko,
at habang palapit sa sa kinaroroonan ko palihim Kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi
Narinig namin ang pinag usapan niyo ng Kaybigan ni Lyn,
Anong balak mong gawin? tanong niya ng may pag alala,
Ngayon ko lamang napagtanto na siya Ang dahilan Kung bakit ka naririto ngayon,
Oo" kuya tipid Kong sagot sa kanya,
Anong Plano mo?" Tanong niya ulit sa akin,
Hindi ko pa alam kuya naguguluhan pa ako, hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon, hindi ko alam kong matutuwa ba ako o Magagalit, dahil sa nalaman ko,
Wala ka nang magagawa kundi tanggapin Ang resposibilidad na hindi mo napaghandaan,
Alam kong hindi siya Ang babaeng gusto mo, piro para sa akin okey naman siya mabait, masipag maalalahanin, mapagmahal, matalino at maganda mga katangian na alam mong wala sa babaeng gusto mo,
Alam kong hindi mo gagawin Ang isang bagay kung talagang wala kang nararamdaman para sa kanya,
Tama ba Ako?!"
Hmmm,, " napatango Ako sa sinabi ng kuya ko, Bilang pagsang-ayon,
Tama si kuya hindi ko gagawin sa kanya iyon kung talagang wala akong nararamdaman para sa kanya,
Piro ano nga ba itong nararamdaman ko,
Ang totoo kuya hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, Ang hirap mag isip, sobrang gulo,
Sa palagay ko ngayon ang dapat mong isipin ay kung papaano ka haharap sa pamilya niya bukas,
Andito lang ako susuportahan kita kung ano Ang maging desisyon mo,.
Mauna ako sa loob,
Sunod kana lang, aniya at tinapik ako sa balikat,
Tumango Ako bilang tugon,
Lumakad na si kuya papasok sa loob ng bahay, habang ako ito nag iisip Kung ano ang dapat kong gawin para bukas, hindi ko alam Ang magiging reaction niya pag nakita niya ako,
Bumalik ang ala-ala ko sa pag uusap namin ng mga kaybigan ko,
Flashback
Dom okey ka ba?"anong problema?,,tanong ni Mandy, na isa sa matalik kung kaybigan,
Andito kami ngayon sa bahay ng Isa ko pang kaybigan na si Cris, at nag iinuman,
Sobrang lalim ba, hirap hukayin ah napakunot Ang noo ko ng tumingin ako sa gawi niya,
Ang lalim kasi ng pag buntong hininga mo, pagbabawi niya,
may problema ka ba?
Ano ba yan? Sunod-sunod niyang tanong sa akin,
Oo nga naman tol ano ba yang gumugulo sa isip mo, ani Cris,
Kumuha muna ako ng alak sa bote at naglagay sa baso, hindi ano?, kundi sino?" Sabi ko,
saka tinungga Ang laman ng baso at nang mainom kona ang laman ng baso agad ko namang inlapag sa maliit na lamesa,
Wooh,," iba talaga pag guwapo,
Pumi playboy e, tuksong turan ng Kaybigan Kong si Cris,
G**o hindi naman kayo nakakatulong e, sabi ko na walang emosyon Ang mukha,
Okey,,,,, okey,, at tinaas pa nila ang dalawang kamay nilang dalawa na parang sumusuko
ano ba yan?" Tanong ulit ni Mandy,
Hindi ko alam mga tol naguguhan na rin ako, iyon bang tipong gusto mo siyang makita,piro hindi naman siya Ang hinahap ng puso mo, at yong tipong kaylangan mo siya, piro ayaw mo siyang makasama, at gusto mo siya,piro hindi mo Mahal,
Nagkatinginan ang dalawa kong kaybigan at agad din nabaling ang tingin sa akin, napakunot ng bahagya ang noo ko parang hindi nila naintindihan ang mga sinabi ko,
Wait tol, pweding pa repeat kasi parang ang gulo e, wala akong maintindihan sa sinabi mo,
baka pweding pa on na rin ng record sa phone mo Cris, para mas maintindihan natin ang sinasabi ng Kaybigan natin,ani Mandy na may ngiting nakakaluko,
LoL,Ani Cris na tumingin kay Mandy at tumawa,
ako naintindihan ko ang ibig niyang sabihin,
tsk,tks,aniya na napailing habang pinapatunog nito ang bibig gamit ang dila, napangiti naman ako kasi mukhang naintindihan ni Cris, ang mga sinabi ko, tumingin siya sa akin,
Okey tol Dom seryuso na ito
Piro tol pweding paki ulit, kasi ang gulo e, nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ni Cris, akala ko talagang naintindihan Niya Ang mga sinabi ko, piro tulad din pala siya ni Mandy, napailing nalang ako sa kanila,mukhang hindi sila makakatulong sa problema ko,
Napansin nila ang pananahimik ko kaya natahimik na rin Sila,ilang Segundong nabalot ng katahimikan sa pagitan naming tatlo,nang magsalita si ulit si Cris,"
Okey mga tol ito seryuso na talaga,
Tol Dom isa-summary ko lang ang sinabi mo kanina ha,
gusto mo siyang makita,piro hindi siya ang hinahanap ng puso mo," Hmm napatango ako,
Kaylangan mo siya, piro ayaw mong makasama,"
Hmm napatango ulit Ako
gusto mo,piro hindi mo mahal," Hmm exactly," ganon nga,,aniko,
Ei anak ng putcha,,,, talagang magulo nga naman yon, Hahaha, Ani Cris nagtawanan naman ang dalawa sa sinabi ni Cris,
hyst, wala talaga akong makukuha matinong payo sa inyo puro kayo kalukuhan e," aniko,
Who's that girl? Tanong naman ni Mandy, na sumiryuso ang mukha,
Marghielyn ang name niya at pinsan siya ni Elsie,
Whatttt",,,, magkasabay pa silang dalawa ng salita,
Ei talagang gugulo Ang isip mo Kasi bukod sa nararamdaman mo para kay marghielyn na yon e mag pinsan pa Sila ng girlfriend mo, ani Mandy
Tol, pinagsabay mo silang mag pinsan
Wow" tol" alam naming playboy ka piro ang pagsabayin Ang dalawang mag pinsang iyon,
Iba ka talaga tol"
napailing siya Bago nagsalita ulit,
hindi ako makapaniwalang ganyan ka makipaglaro sa mga babae,
Walang kami ni Lyn,saad ko,"piro may nangyari sa amin,
Bigla Silang natutup sa kinauupuan nila, at walang kurap-kurap na tumingin sa akin,
Binato ko Sila ng takip ng bote ng red horses na nakapatong sa maliit na lamesa,para natauhan Sila, at pagkatapos ko silang tamaan agad naman silang napakurap at napa ayos ng upo,
Para kayong nahiwalayan ng kaluluwa sa mga katawan niyo,
Ang OA niyo mag re-act, hindi bagay sa inyo ang reaction ng Mukha niyo,
Ang sagwa ninyong tingnan, pagbibiro ko,
Oo na ikaw na ang guwapo, Ani Mandy
So ano na, may maipapayo ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanila,
alam mo tol, Lumapit Silang dawala sa akin,magulo talaga ang pinasok mo,
Piro kung ako sayo puntahan mo siya, para malaman mo sa sarili mo kung ano at sino talaga ang totoong nilalaman nito?", Ani Cris at tinuro pa ang kaliwang bahagi ng aking dibdib kung saan naroroon ang puso ko,
Ang totoo nagsimula lang naging magulo Ang isip ko nong may nangyari sa amin," nong una Hindi ko siya pinapansin although alam kong gusto at mahal niya ako, nong nalaman kung mahal niya ako magkaroon Ako ng interes sa kanya," hindi ko alam kung bakit?"parang ginawa kong way ang pagkakagusto niya sa akin para mapalapit ako sa kanya, okey naman siya,maganda, mabait, masipag, maalalahanin, mapagmahal, malinis sa Bahay, at matalino, mga katangian na perfect sa lalaking gaya ko, mga katangiang alam kong wala sa girlfriend ko,,
sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang mainit na pinagsaluhan namin ng gabing iyon,
ayon naman pala,Ani Mandy, at tinapik Ang balikat ko,
kita naman sa mukha mo na gusto mo nga siya, piro hindi mo maamin sa sarili mo na Mahal mo siya kasi andyan pa sa puso mo si Else,"
Tol bakit hindi mo siya balikan sa kanila, puntahan mo siya at kausapin mo siya, para masiguro mo talaga kung ano ang totoong nararamdaman mo para sa kanya,
Oo nga tol,sabad naman ni Cris ,
Susubukan ko,aniko,
End of the flashback