"Sa palagay mo, saan kayo pupunta, ha?" nakaharang ang demonyo sa pintuan. Ang mahaba nitong buntot ay panay ang palag at tila naghahagilap ng mahahampas. "Rafael, I-iwan m-mo na ako, iligtas mo ang sarili mo!" mahinang sambit ni Don Ismael sa anak na pangko pa rin ang ama. "Mamamatay ka ng walang kasalanan!" "Hindi, Itay, hindi ko kayo maaring pabayaan!" "Wow, ang mag-ama, parang totoong nagmamalasakitan. Para bang tunay na mahal ang isa't-isa. Wag nga ninyo akong pabilibin, ha?" pang-aasar ng demonyo na namaywang pa. Ibinuka ang dalawang paa at lalong naging makapangyarihan ang anyo nito. "Isa ka lang demonyo, wala kang karapatan na mamayani dito sa lupa!" "Ow, talaga? Matapang na lalake. Tignan ko nga kung gaano ka katapang ngayon!" at biglang inipan nito ang mag-ama. Isang malakas

