Nagising na ang Don at hapon na ng bigla nanamang ibalik ni Clara ang mga katanungan niya patungkol sa nangyari sa mga tauhan na nagsiwalaan. "Ang pinagtataka ko, ako ang pinagbibintangan na dumale sa mga tauhan ko ... wala naman akong alam dito, eh!" "May nagawa ba silang masama sa'yo?" "Gaga, anong ibig mong sabihin? Na ako nga ang pumatay sa kanila?" binatukan siya nito. Sumubsob ang mukha niya sa tuhod nito. "Bakit, hindi ba?" tanong niya nang mag-angat siya ng mukha. "Gaga, wala akong alam kung patay ba sila o buhay pa. Huwag mo nga akong buwisitin, baka mauna ka pang mamatay sa kanila kapag ganitong mainit ang ulo ko ... sige, palamigin mo ang ulo ko ... " Marahan siyang tumayo. Lumayo siya ng ilang hakbang. Alam na alam na niya kung paano niya palalamigin ang ulo nito. Uminda

