No One's POV
Dumating si Moon sa table nila na may kasunod na tatlong lalaki na hawak hawak ang inorder ni Moon para sa kanilang dalawa. Napahilamos siya sa mukha niya nang makita niyang lahat yata ng nasa display ay binili niya. "Bakit ang dami mong binili?" Tanong ni Solar sakanya.
"You didn't tell me what food do you want to eat so I ordered everything." Sagot niya kaya napanganga siya. "Tingin mo ba mauubos natin lahat ito?" Tanong niya kay Moon.
Nagkibit-balikat lamang siya dito. "We can give it to the kids on the street." Nagulat si Solar sa sinabi ni Moon.
"What?" Tinaasan niya ng kilay si Solar.
"Wala." Sabi ni Solar at ngumiti ng matamis kaya inirapan siya ni Moon.
"Uhm, excuse me?" Napatingin sila sa cute na batang naka-violet dress. "Yes?" Tanong ni Solar sa bata. "Uhm, can I take pictures with her?" Tanong niya sa bata at tinuro si Moon na nagtaka.
"Ikaw po ito diba?" Tanong ng bata at ipinakita ang isang punit na papel. Hindi iyon papel, isa iyong piraso sa isang Magazine na siya ang cover. Nakaramdam ng pagkapahiya si Solar dahil naalala niyang sikat na model nga pala si Moon.
"Yes. Where did you get that kid?" Tanong ni Moon sa bata.
"Idol na Idol po kita Miss Moon Shine! Ang ganda-ganda niyo po!" Sabi niya at nginitian si Moon.
"Ako na magpi-picture." Sabi ni Solar at binigay naman ng bata ang camera niya kay Solar.
Nakatatlong shots sila bago umalis ang bata at kumain na sila. "Buti, walang masyadong nakapansin sa'yo!" Sabi ni Solar sakanya.
"I didn't know that they know me." Sabi niya kaya napairap si Solar. "Hello? Andami mo kayang famous magazines na na-cover! Tapos sasabihin mong hindi ka sikat?" Sabi ni Solar pero hindi siya pinansin ni Moon.
"How did you know that I covered different magazines?" Nakangisi niyang tanong sa dalaga.
Bigla akong namula at hindi alam kung anong isasagot pero dahil ayaw niyang tuluyang mapahiya ay sumagot siya. "S-syempre! Nakikita ko yung mga classmates kong may hawak din na magazines na ikaw ang cover. " Ngumisi lang si Moon at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
Nagpatuloy sila sa pagkain ng walang interruption, Mukhang hindi na nila napapansin si Moon dahil busy na ring kumain ang iba. Nang matapos silang kumain ay pumunta si Solar sa counter para magpatulong na i-wrap ang mga ipapa-take out nila. Nag-unahan pa ang mga lalaking crew para tulungan siya kaya kumunot ang noo nito at napatingin kay Moon.
Nakita nitong nagsasalamin ang dalaga at tinitignan ang hitsura niya. She bit her lower lip kaya napaiwas ng tingin si Solar. Nang lumapit sa kanya ang dalawang crew ay lumapit na sila sa table nila. Habang nagwra-wrap ang dalawang crew ay nakamasid lang si Solar sa kanila. Napansin ni Solar si Moon na nagta-type sa phone niya.
"Saan pa tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. "Anywhere, It's still early." Pinakita niya sa akin ang orasan ng phone niya.
3:39 PM maaga pa nga, for sure boring parin sa mansion nila kapag ganitong oras. Nang matapos nilang i-wrap ang mga pagkain ay tinulungan pa nila ang mga dalaga na ilagay ang pagkain sa backseat ng kotse ni Moon. Kinuha ni Solar pa si Sun at Shine dahil hindi kasya ang mga pagkain sa backseat.
"You place that somewhere. It will block the view, baka mabangga tayo." Sabi ni Moon kaya ang ginawa ni Solar ay bumaba ng sasakyan at inayos ang mga pagkain para magkaroon ng space, pagkaayos niya ay inilapag nito si Shine at kinabitan ng seatbelt. Umupo siya ulit sa front seat at niyakap si Sun para hindi mahirapan si Moon.
"Are you okay?" Tanong ni Moon sakanya kaya tumango si Solar. "Malambot naman si Sun kaya komportable ako." Nakangiting sabi niya kay Moon.
Lihim na nangiti si Moon at lumapit kay Solar. Nagulat naman si Solar dahil akala niya ay hahalikan siya ni Moon pero nakaramdam siya ng pagkapahiya nang ikinabit lang pala ni Moon ang seatbelt niya. "Disappointed?" Nakangising tanong niya kay Solar pero umirap lang si Solar sakanya.
Natawa si Moon kaya napanguso si Solar. Pinaandar na ni Moon ang sasakyan at hindi na pinansin si Solar. "We're going to the bookstore, I'll buy a book." Sabi ni Moon pero hindi na siya sinagot ni Solar. Nilingon niya ito at napansin na nakapikit ito.
Napagod kumain? Natawa si Moon sa naisip. Nakayakap si Solar sa Teddy Bear na binigay niya kay Moon at iyon ang ginawa niyang unan. "I can't believe that I'm having fun with your company. I'm supoosed to be hating you." Napailing si Moon sa nasabi.
"Sun Raen Mercedez,what did you do to me?" Tanong ni Moon sakanya at sinulyapan si Solar, napabuntong-hininga siya.
She focused her eyes on the road.
**
Tinapik ni Moon nang marahan ang pisngi ni Solar kaya medyo nagising ito.
"Andito na tayo?" Tanong ni Solar
"Yup. Hurry up, I recieved a text from mom, bilisan daw natin dahil maaga siyang uuwi para makipag-bonding." Tumango si Solar at lumabas na ng sasakyan.
**
Sumusunod siya kay Moon habang tumitingin-tingin din ng libro, maraming libro ang nakakuha ng atensyon niya pero hindi niya iyon nilalapitan dahil wala siyan perang pambili, iipunin na lang niya ang pera na pambili niya kesa ibili ng mga ibang bagay. Puwede naman siyang humiram sa library ng school.
Ilang minuto pa bago nakapili ng magandang libro si Moon.
"May napili kana?" Nagtaka naman si Solar sa tinanong sa kanya ni Moon.
"Ah! Wala hehehe, wag na!" Pero gusto niyang isigaw kay Moon na marami siyang napili kaso nakakahiya kung magpapalibre na naman siya dito. Ilang libo na nga ba ang nagastos ni Moon para sa araw na ito?
"Okay." Sabi ni Moon at may kinuhang libro. Iyon yung libro na nakita niya kanina, gusto niya rin pala iyon? Hihiramin nalang niya iyon kay Moon pagkatapos niya itong basahin. Pagkatapos ay nagbayad na si Moon at bumalik na sa sasakyan para umuwi dahil baka nakauwi na ang mommy ni Moon.
Habang nagda-drive si Moon ay may napansin si Solar na dalawang bata na namamalimos sa gilid ng daan, may kasama pa itong mukhang 3 years old lang na batang babae.
"Teka! Ihinto mo muna!" Sabi ni Solar sakanya kaya nagulat si Moon at agad na napa-preno dahil talagang hinampas siya ni Solar, hindi siya nasaktan, nagulat lang talaga siya.
"What are you trying to do?" Tanong ni Moon pero nginitian lang siya ni Solar.
Bumaba siya ng sasakyan at pinaupo si Sun sa upuan niya.
"Diyan ka muna Moon. Hintayin mo ako o kaya mauna ka na kung hindi mo ako mahintay." Nakangiting sabi ni Solar sa kanya.
Nakita niyang lumapit si Solar sa dalawang bata at kumuha ng pera sa wallet niya, hindi niya alam pero bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa backseat pagkatapos ay kinuha ang lahat ng pina-take out nila sa Jolibee.
Lumapit siya sa mga bata at kay Solar kaya nagulat si Solar. Ibinigay niya ang mga pagkain sa dalawang bata. "Asan ang mga magulang niyo?" Tanong ni Moon sakanila.
"Wala na po kaming mama at papa." Sabi ng bata habang isa-isang tinitignan ang pagkain. Agad na inilabas ng bata ang bucket meal at binigyan ang nakababatang kapatid nito ng isang piraso.
"Ilang taon na ba kayo?" Tanong ni Solar
"Ako po 6 na! Tapos po yung kapatid ko 3 po." Sagot ng bata sa kanya
"Do you have a place to stay?" Tanong ni Moon pero tinitigan lang siya ng mga bata at narinig niyang natawa si Solar. "Tingin ko hindi nila naintindihan yung sinabi mo." Natatawang sabi ni Solar.
"Sabi ni Ate Moon, may bahay ba kayo?" Tanong ni Solar.
"Wala po kaming bahay." Sabi ng bata kaya nilabas ni Moon ang phone niya at tinawagan ang Mom niya.
[Yes honey?]
"Mom, I found two kids on the street. They're living on thier own. The oldest is 6 years old and the youngest is 3 years old." Diretsong sabi ni Moon sa kanyang ina.
[Ako nang bahala anak, just text me the address at magpapadala agad ako ng susundo sa kanila.]
"Okay mom. Bye!" Pinatay na ni Moon ang tawag at nagtipa ng mensahe.
"Anong meron?" Takang tanong ni Solar sakanya.
"Mom will take care of them. Maghahanap siya agad ng aampon sa kanila.
"Ate?" Hinila-hila ng batang lalaki ang laylayan ng damit ni Solar kaya napatingin siya sa bata. "Anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Ako si Ate Sun, siya naman si Ate Moon." Nakangiting pakilala ni Solar kaya nakaramdam ng goosebumps si Moon. Ngayon lang niya napansin ang pangalan nila ay may ugnayan.
"Moon? Buwan? Sun? Araw?" Tumango naman si Solar at ngumiti ang bata
"Ang ganda naman po ng pangalan niyo." Nakangiting sabi ng bata kaya natawa si Solar.
Hindi nagtagal ay dumating na ang sinabi ng mommy ni Moon na susundo sa mga bata. Nang makasakay sila sa sasakyan ni Moon ay ngumiti si Solar kay Moon. "Why are you smiling at me?" Tanong ni Moon. "Wala." Sagot ni Solar kaya inirapan siya ni Moon pero tumawa lang si Solar.
**
Nang makauwi sila sa mansion ay wala pa ang mommy ni Moon kaya nagpahinga muna siya sa kwarto niya, alam naman niyang hindi tatakas ngayon si Moon dahil dadating ang mommy nito.
Napahawak si Solar sa dibdib niya. "Ano ba 'tong nararamdaman ko?" Tanong niya sa sarili niya at napatingin sa Teddy Bear niya.
"Shine? I think my heart is going to explode." Nasambit niya at niyakap ang teddy bear niya.
Kanina nang makita niya si Moon na binigay ang mga pagkain at ngumiti, naramdaman niyang tumibok ng mabilis ang puso niya. "What am I thinking? Hindi pwede itong naiisip ko!" Ginulo ni Solar ang buhok niya.
Isa lang ang sigurado niya nang mga sandaling 'yon.
Ginugulo ni Moon ang isip niya.