Chapter 4

1662 Words
Ian's POV Pag gising ko, sobrang sakit ng katawan ko at ng ulo ko. Napansin ko ang gulo at may dugo ang bed sheets ko. Ibig sabihin, totoo lahat ng nangyari noong gabing iyon. Totoong may nakasama ako kagabi. Kahit nanlalata ako, dahil halatang sobrang ginalingan ko kagabi, feeling ko over flowing pa rin ang energy ko ngayong araw. Ang sigla ng katawan ko. Kaya nag-ikot-ikot muna ako sa room, umaasa na baka nandito pa siya at baka may naiwan siyang gamit na pwede kong magamit para mahanap siya. Pero isang note lang sa tabi ng sofa ang nakita ko: "Thank you for last night and I'm sorry for everything that happened. Kinuha ko yung jacket mo. Umalis na ako, and don't look for me. Better if we cut it this way :)" Iyan ang note na iniwan niya sa akin. Isip-isip ko lang, anong "don't look for you"? Magkikita tayo, at ikaw na ang magiging asawa ko. At ngayon, sigurado na ako doon. That special night made me sure na wala na akong ibang gustong babae kundi siya. Sakanya lang ako nag-promise, at kailangan matupad ko yun. Madami na akong babaeng naikama, pero kakaiba siya. Pero wala akong ibang alam sa kanya kundi Jea lang ang pangalan niya. Pero, nakuha talaga niya ang loob ko. Kahit di naman ako naniniwala sa love, iba ang babaeng iyon. At sa kauna-unahan, hindi din ako gumamit ng protection at may babaeng nakasabay sa akin. Parang wala na akong ibang gustong gawin kundi isipin lang si Jea, pero wala akong alam tungkol sa kanya kundi Jea lang ang pangalan niya. Pero kailangan ko talagang pumasok ng office dahil marami kaming dapat pag-usapan ni Nathan. Si Nathan Alarcon, siya ang aking personal assistant at bestfriend na rin. Kaya dumiretso na agad ako sa desk niya pagpasok ko sa office. "Bro, kamusta ka naman?" masayang bati ko sa kanya. "Mukhang wala ka sa mood, bro. Iba sigla mo. Nakahanap ka na ba ng papakasalan mo?" Pang-aasar niya dahil alam ni Nathan na ayaw kong pinag-uusapan iyon, at alam niyang iyon pang inis sakin. "Bro naman, maganda mood ko ngayon. May nakita akong magandang babae sa bar kagabi. Hindi siya mawala sa isip ko." Nabigla siya sa sagot ko dahil expected niyang maiinis ako dahil pine-pressure na ko ng pamilya ko magpakasal at binibigyan nila ako ng isang taon para maghanap ng magiging asawa. "Ano? Kaya ka siguro late, bro? Ikaw ba 'yan? Sound interesting iyang babae na 'yan. Hindi ka siguro nakascore kasi naisip ang playboy na si Ian Antonio Liu." Kabisado talaga ako ni Nathan dahil alam niyang never akong naghahabol sa babae. Hindi sa kayabangan, pero habulin ako ng babae. Sila ang may gusto at never ako namimilit, pero itong si Jea, iniwan ako sa kwarto. "Seryoso ko, bro. Siya na ang future wife ko, mark my word. Magiging asawa ko ang babaeng 'yan. Dahil starting that day na pinasok niya ako sa room, naka-siguro na kong siya ang magiging asawa ko. Kaso pag gising ko, wala na siya." Medyo derederecho kong sabi kay Nathan, alam ko naman mapagkakatiwalaan siya. "Pinasok sa room? At iniwan ka? Ano, nasapian ka na ba? Kahapon lang problemado ka at ayaw mong maghanap ng asawa, tapos ngayon ikakasal, nasa isip mo? Explain mo nga sakin. Parang hindi kita kilala. Grabeng rebelasyon mo ngayong araw." Gulat na sabi nito. Kilala kasi talaga ako ni Nathan, pero iba din kasi talaga si Jea. She was so hot and sobrang ganda talaga niya para hindi pakasalan. "Wala akong dapat i-explain, ganun talaga ang love, Nathan. Pag nain-love ka, saka mo na sabihin sakin 'yan. Ayusin mo nalang lahat ng kailangan natin. Sasama tayo sa outreach ni mommy, i-align mo lahat ng schedules ko." Lalung siyang nagulat dahil alam niyang never akong sumasama at ayaw kong sumasama sa family ko dahil kung sino-sino pinapakilala nila. "Huy Ian, nasapian ka na talaga! Ibalik mo yung bestfriend ko. Nandoon ang parents mo, remember?" Kabisado niya ako, at siya lang ang makakausap ko ng ganito. Nilapitan niya ako at niyugyog ako. Actually, naasar ako sa reaction, pero natutuwa ako kay Nathan. "Ang loko mo talaga, nahihilo ako. Sige na, ayusin mo na yung mga kailangan natin at kung ano maitutulong natin." Grabe ang gulat sa mukha ni Nathan dahil alam niyang hindi ko kinakausap ang parents ko simula nang kinukulit nila ako about getting married. Lumabas si Nathan na hindi makapaniwala sa lahat, lalo na ang pag-uwi ko sa bahay. Dahil umuuwi lang ako pag galit na ang mommy ko. Feeling ko kasi ang boring at suffocated ako sa bahay. I'm Ian Antonio Liu, ang nag-iisang single sa 6 na magkakapatid at ang nag-iisang lalaki. Hindi biro ang magkaroon ng 5 ate na iba-ibang ugali. Pero isa sila sa dahilan kung bakit ayaw ko ng commitment. Puro failed ang marriage nila, at tanging si Ate Ailene lang ang successful at kasal pa din dahil siya ang martir sa lahat. Kaya sobrang pressure nila sa akin na magpakasal, lalo na si mommy, dahil ayaw rin niyang nababalitaan na puro ang pang-babae ko. Well, sino ba naman kasing nanay ang matutuwa sa ganun? Since puro si Jea rin ang naiisip ko at hindi ako makapagtrabaho, nag-decide muna akong umuwi sa bahay para kausapin ang parents ko. At naabutan ko sila sa garden. "Oh, nandito ka pala, Ian. Alam mo ata ang pauwi sa atin?" Biglang banggit ng daddy ko dahil hindi naman ako laging umuuwi, madalas lang ako sa condo. "Oo naman, daddy. Gusto ko lang kayo i-visit ni mommy at to inform you na sasama kami ni Nathan sa outreach," sabi ko sa kanya at nakita ko ang ibang saya sa mata ni mommy. "Seryoso ka ba anak? Magandang balita 'yan para mapakilala kita sa mga amiga ko, baka may pwede ka doon pakasalan," biglang sabi ni mommy at nakita ko ang pag-pigil sa kanya ni daddy dahil alam niyang baka ma-trigger ako. "Mommy, no need to find me a pakakasalan, kasi may nakita na ako." Bigla siyang napatigil at nakatingin siya sa akin na may halong gulat at pagkalito. Alam kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko, kaya't naghanap ako ng tamang pagkakataon upang magpaliwanag. "Mom, I know you've been looking for someone to introduce to me, but… this is different," sabi ko habang iniiwas ang mata ko sa kanya, para hindi makita ang pagka-tensyonado ko. "Yung babaeng nakita ko sa bar kagabi… si Jea… I think she's the one." Nagulat siya, hindi lang sa sinabi ko kundi sa tono ng boses ko na may halong seryosong determinasyon. Tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "Jea? Sino siya, anak?" tanong ni mommy, tila naguguluhan pero may interes. Alam ko na gusto niyang malaman ang lahat tungkol sa babaeng naisip kong magiging asawa ko. "Jea… hindi ko pa siya ganap na kilala, pero iba siya, mommy," sagot ko, at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. "Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Hindi lang siya maganda, pero may isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. Naramdaman ko lang na siya ang tama." Habang nagsasalita ako, nakatingin lang siya sa akin, parang iniintindi ang mga sinasabi ko. Alam ko na malaki ang epekto nito sa kanya, kasi hindi ko siya tinatanggihan na makipag-usap tungkol sa aking mga relationships. "I never thought I’d say this, pero... I think she’s the one, mom." Nakita ko ang mga mata ni mommy na medyo kumislap, tanda ng pag-asa at excitement. Nandiyan na naman ang pagka-busy ni mommy sa pagpapakasal, pero sa pagkakataong ito, may kakaibang ngiti sa labi niya. "Gusto mo bang ipakita ko sa kanya? Kung siya na nga, e di siya na nga!" sabi niya habang sumasandal sa likod ng upuan. "Di ko pa alam kung paano, mom. Pero gusto ko lang na malaman mo… na si Jea lang ang naiisip ko. At sa ngayon, wala na akong ibang gustong babae kundi siya," sabi ko, pakiramdam ko mas magaan na. Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman ko na parang ako na ang nakatadhana sa kanya. Mommy, na medyo huminga nang malalim, tinitigan ako. "Anak, kung siya na nga, ipaglalaban ko siya para sa iyo. Huwag mong kalimutan, ako ang pinakamagandang supporter mo sa lahat ng desisyon mo, lalo na kung tungkol sa pagmamahal." Pero biglang nagsalita si daddy mula sa kabilang gilid ng garden, na tila hindi naniniwala sa lahat ng nangyayari. "Anak, huwag ka munang magmadali. Isang gabi lang 'yan. Hindi ka ba natatakot na baka ito lang isang fling o impulsive decision mo?" Seryoso at may halong disapproval ang tono niya. "Pa, hindi ko na kailangan pang maghintay. Wala nang ibang babae sa isip ko kundi siya," sagot ko, sinubukan ko siyang ipaliwanag, pero ang tigas talaga ng puso niya. Tinignan ni daddy si mommy at tumawa ng bahagya. "Ayan na naman tayo, Michelle. Palagi ka nalang nagmamadali. Laging ganoon. Isang gabi lang tapos asawa na agad? Puwede bang mag-isip pa siya ng mabuti?" Si mommy, na nakita ang pagbabago sa tono ng kanyang asawa, tumingin kay daddy at nagbigay ng isang matigas na tingin. "Minsan, Greg, hindi naman kailangan ng maraming panahon para malaman mo kung sino ang tama. Kung may nararamdaman siyang ganyan, siguro may dahilan." Ilang sandali ng katahimikan, at tila nagulat si daddy sa reaksyon ni mommy. Sa totoo lang, hindi pa rin siya ganap na naniniwala sa ideya ng isang "love at first sight" na sitwasyon, pero nakita ko sa mga mata niya na natutulala siya sa idea ng pagmamahal na iniiwasan ko nang matagal. "Well," sabi ni daddy, pagkatapos ng ilang saglit na tahimik na pag-iisip, "Kung seryoso ka, Ian, kung totoo 'yan, magiging masaya kami para sa'yo. Pero hindi pa ako kumbinsido, ha." Sinabayan niya ito ng isang mabigat na hinga at ang mga mata niyang hindi pa rin sigurado. "Tama ka, dad," sagot ko, "pero hindi ko na kailangan ng approval niyo para malaman kung anong nararamdaman ko. Nais ko lang sana na maintindihan niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD