NIKOLAI POINT OF VIEW Alam ko. Matagal ko nang alam. Hindi ko na kailangang maghanap ng ebidensya. Hindi ko na kailangang makarinig ng bulung-bulungan. Sapat na ang paraan ng pagtingin niya sa akin—ang lamig, ang distansya, ang kawalan ng pakialam. Cassie Montila-Mariano, ang babaeng pinakasalan ko hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa kapangyarihan. At ngayon, hindi na siya nag-aaksaya ng oras para itago ang ginagawa niya sa likod ko. Matagal na akong walang pakialam, pero hindi ibig sabihin nun ay wala akong nakikita. Nakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng opisina ko, hawak ang isang baso ng whiskey. Mula rito, tanaw ko ang buong lungsod—mga ilaw, mga sasakyan, mga taong walang kamalay-malay na may isang demonyong tulad ko na nakatingin sa kanila. Mula sa likod ko, narin

