CASSIE POINT OF VIEW Nagising ako ng maaga, tulad ng dati. Ngunit hindi katulad ng dati, hindi ako naramdaman na okay ang lahat. Isang malamig na umaga, parang may kakaibang pakiramdam sa hangin, at ang puso ko'y parang may kulang. Nang binuksan ko ang mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang malamlam na liwanag ng araw na dumaan sa bintana, pero hindi ko naramdaman ang init. Nasa tabi ko si Nikolai, nakaharap sa kabilang side, mahimbing na natutulog. Nakanganga, parang walang pakialam sa mundo, habang ako ay nakatunghay sa kisame, hindi mapakali. Simula nang magbago siya, parang hindi ko na siya kilala. Dati, bawat pagtingin niya sa akin, may apoy, may passion, may pagmamahal. Pero ngayon, wala na. Parang nakasanayan na lang na nandiyan siya, at ako, naroon lang sa tabi, hindi na siya

