JASMINE FAITH POINT OF VIEW
1 WEEK LATER......
Nakapwesto ako sa isang sulok ng engrandeng ballroom, hawak ang isang baso ng champagne habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong nasa paligid. Ilang beses na akong nakapunta sa ganitong klaseng party, pero wala pa ring nagbabago—pare-parehong mukha, pare-parehong ngiti, pare-parehong mga laro. Alam kong karamihan sa mga babaeng nandito ay nagsusubok na makuha ang pansin ng mga lalaking mayaman at makapangyarihan, habang ang mga lalaki naman ay abala sa pagpapakitang-gilas.
Pero hindi ako tulad nila. Wala akong kailangang patunayan sa kahit sino.
Mula sa gilid ng aking mata, nahuli ko siyang pumasok—Nikolai Mariano. Ang presensya niya ay nagparamdam ng hindi maipaliwanag na tensyon sa loob ng silid. Agad na lumingon ang ilang bisita, tila ba awtomatikong nagbigay daan sa kanyang pagdating. Ganun siya kaimpluwensiya, ganun siya katindi.
Si Nikolai ang tipo ng lalaking hindi mo basta-basta malalapitan. May aura siyang kayang patahimikin ang sinumang sumubok lumapit sa kanya, ngunit sa mata ko, isa lang siyang hamon.
Bakit nga ba ako naaakit sa kanya? Hindi ko alam. O baka alam ko, pero hindi ko lang gustong aminin.
Nang mapansin kong nag-iisa siya, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Dahan-dahan akong naglakad palapit, sinadya kong iparamdam ang presensya ko. Nasa likod niya ako nang maramdaman kong napansin niya ako. Hindi ko pa siya nilalapitan nang husto pero alam kong aware siya sa akin.
"You keep staring," bulong ko nang sapat lang para marinig niya.
Hindi siya agad lumingon, pero nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Hindi ko alam kung inis ba o natatawa siya. Pero hindi siya nagsalita.
"Do I make you uncomfortable?" tanong ko ulit, mas idinikit ko pa ang sarili ko sa kanya.
Sa wakas, humarap siya sa akin, at ang titig niya ay halos magpatigil ng paghinga ko. Matigas, malamig, pero may kung anong nasa likod ng titig niyang ‘yon.
"Should I be?" sagot niya, malamig ang tono pero may halong aliw.
Ngumiti ako. "I don't know. Are you?"
Hindi siya agad sumagot. Alam kong tinitimbang niya ang sitwasyon, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong umatras. Kinuha ko ang isang baso ng champagne mula sa tray ng waiter na dumaan at inabot ito sa kanya.
"Relax, Nikolai. It's just a drink."
Tinanggap niya iyon pero hindi niya ako tinigilan ng tingin. "You like playing games, don’t you?"
"I don’t play games," sagot ko, sinadya kong gawing mabagal ang pagsasalita. "I test limits."
"I have limits, Jasmine," madiin niyang sabi.
Ngumiti ako at lumapit pa nang kaunti. "Then let’s see how far those limits go."
Kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso. Alam kong naaapektuhan ko siya, kahit pa anong pilit niyang pigilan.
"You’re flirting with a married man," mahinang sabi niya, pero hindi niya ako tinaboy.
"And?" tinaasan ko siya ng kilay. "Does that bother you?"
Hindi siya agad sumagot. Nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin, pero hindi iyon awkward. Sa halip, may tensyon, may hindi nakikitang laban na nagaganap. Alam kong lumalaban siya sa nararamdaman niya. Alam kong gusto niyang umiwas, pero hindi niya magawa.
"Jasmine," madiin ang tono ng boses niya, para bang gusto niyang pigilan ako.
"Yes?" sagot ko, hindi ako natinag.
Huminga siya nang malalim bago bumulong, "You need to stop."
Ngumiti ako, inilapit ang labi ko sa tenga niya. "Then make me."
Nanigas ang katawan niya. Kitang-kita ko ang pagdadalawang-isip niya. Pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong makatakas.
"You're dangerous," bulong niya.
"And you're tempted," sagot ko pabalik.
Hindi siya umimik. Sa halip, tumingin lang siya sa akin, para bang sinusubukang intindihin kung bakit ko ito ginagawa.
"Tell me you don’t want this, and I’ll stop," hamon ko.
Nakita ko ang pag-clench ng panga niya. Alam kong nahihirapan siya. Pero sa halip na sagutin ako, tumalikod siya at iniwan ako roon, pero hindi bago ko makita ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Alam kong hindi pa ito tapos.
Hindi ko siya hinayaang makatakas.
Nang makita kong tinungo niya ang balcony, mabilis akong naglakad papunta roon, tinatawanan sa isip ko kung paano siya nagmamadaling lumayo sa akin. Bakit siya umiiwas? Dahil ba natatakot siyang mahulog sa patibong ko? O dahil alam niyang matagal na siyang nakabitag?
Pagkalabas ko sa balcony, nandoon siya—nakasandal sa railing, hawak pa rin ang basong ibinigay ko sa kanya. Tila ba pinapanatag ang sarili, pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong huminga nang maluwag.
Dahan-dahan akong lumapit, sinadya kong gawing marahan ang bawat hakbang. Nang maramdaman niyang nandoon ako, bahagyang bumigat ang kanyang mga balikat. Hindi siya lumingon, pero alam kong alam niyang paparating ako.
"You left so suddenly," malambing kong sabi habang tumayo sa tabi niya.
"I'm giving you a chance to stop this," sagot niya, hindi ako tinitingnan.
"Why would I stop when it's just getting interesting?"
Sa wakas, humarap siya sa akin, at nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang tensyon sa kanya. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman niya, pero sa tingin mo ba titigil ako? Hindi ako sumusuko sa larong ako mismo ang nagsimula.
"You're playing with fire, Jasmine."
Ngumiti ako, inilapit ang sarili sa kanya, sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. "I don’t mind getting burned."
Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Hindi niya gusto ang sagot ko, pero alam kong naaapektuhan siya.
"You should," madiin niyang sabi.
"Why?" Tumagilid ako ng tingin, kunwa’y nagtataka. "Dahil ba may asawa ka? O dahil alam mong gusto mo rin ako?"
Hindi siya sumagot. Sa halip, tinitigan niya lang ako, para bang sinusubukang basahin kung gaano kalayo ang kaya kong gawin. Pero hindi niya ako kailangang basahin—gagawin ko mismo ang gusto kong gawin.
Inabot ko ang kanyang kurbata, dahan-dahang hinila iyon para mapalapit siya sa akin. Nakita ko ang paninigas ng kanyang katawan, pero hindi siya lumayo.
"Tell me, Nikolai," bulong ko, ang mga mata ko nakatuon sa labi niya. "Are you afraid of me?"
"I'm afraid of what you're capable of," sagot niya, mababa ang boses.
Ngumiti ako, pinaglaruan ang dulo ng kanyang kurbata. "Then you should run."
Hindi siya gumalaw. Sa halip, hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa kurbata niya, marahan, pero may halong babala. "You don’t know what you’re doing."
Ngumiti ako, inilapit ang sarili sa kanya, halos maglapat na ang mga katawan namin. "Oh, I know exactly what I’m doing."
Nakikita ko ang paglalaban sa kanyang mga mata—gustong umatras, pero hindi makaalis. Gustong umiwas, pero hindi kayang tumalikod.
Bumulong ako, sapat para maramdaman niya ang hininga ko sa balat niya. "So tell me, Nikolai. What are you going to do about it?"
Kitang-kita ko ang tension sa kanya. Kung aatras siya, ibig sabihin ay natatakot siya sa akin. Kung mananatili siya, ibig sabihin ay gusto niya akong subukan.
At wala siyang ginawa.
Napangiti ako.
Dahil alam kong panalo na ako.