C1: The Perfect Gem

699 Words
JASMINE POINT OF VIEW Nakaupo ako sa isang mamahaling restaurant, tahimik na iniinom ang aking red wine habang pinagmamasdan ang paligid. Maraming tao, karamihan ay pormal ang bihis. May mga lalaking palihim na sumusulyap sa akin, at may mga babaeng halatang nagbubulungan, pero sanay na ako sa gano’n. Palagi namang gano’n ang reaksyon ng mga tao kapag nakikita ako. Ang mga lalaki—parang nahuhulog sa isang panaginip, at ang mga babae—parang natataranta at naiirita sa presensya ko. Pero wala akong pakialam. Kinuha ko ang phone ko at chineck ang notifications. Ilang missed calls mula kay Mommy at ilang mensahe mula sa mga kakilala kong wala namang halaga sa akin. Sinara ko agad ang phone. Walang kahit sino sa mga ‘to ang gusto kong sagutin ngayon. Gusto ko lang tapusin ang gabing ito nang tahimik. Isang waiter ang lumapit sa akin, nag-aalangan kung paano ako kakausapin. Ngumiti siya, pilit ang pagiging mahinahon, pero kita ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya habang hawak ang tray. "Ma’am, would you like to order something else?" tanong niya nang mahinahon. Tumingala ako at tiningnan siya nang diretso. Nakita kong namula siya at agad na umiwas ng tingin. Karaniwan nang reaksyon ‘yon. "No, this is enough," sagot ko nang walang emosyon. Tumango siya at mabilis na umalis. Bumalik ako sa panonood sa paligid. May pumasok na grupo ng mga lalaki sa restaurant. Halatang mayayaman—mamahalin ang suot, may kasamang mamahaling pabango, at may kumpiyansa sa sarili na parang pag-aari nila ang mundo. Pero isa lang sa kanila ang umagaw ng pansin ko. Matangkad, may matikas na tindig, at may mukha ng isang lalaking hindi sanay na tinatanggihan. Alam kong napansin din niya ako. Ilang beses ko siyang nahuling sumusulyap sa direksyon ko. Ngumiti siya nang bahagya, ang tipong pilyo at may gustong patunayan. Pero hindi ko siya binigyan ng interes. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng wine ko. "Wow, ang ganda niya, bro." Narinig kong bulong ng isa sa mga kasama niya. "Yeah, but she looks like trouble," sagot naman ng isa. Napangiti ako nang bahagya. Tama sila. Hindi ako madaling babae. Hindi ako katulad ng mga babaeng nabibighani agad sa isang gwapong ngiti o matatamis na salita. Nagpatuloy sila sa pag-uusap, at hindi nagtagal, lumapit ang lalaking nagpakita ng interes sa akin. May dalang kumpiyansa, halatang sanay lumapit sa mga babaeng gusto niya. "Good evening," bati niya. Malalim ang boses niya, may halong lamig na parang gusto niyang ipakita na hindi rin siya madaling basahin. Tiningnan ko lang siya saglit bago bumalik sa pag-inom ng wine ko. Hindi ako sumagot. "Alone?" tanong niya ulit. Bumuntong-hininga ako at saka dahan-dahang tinapik ang baso sa lamesa. Tumingala ako at tiningnan siya. "And if I am?" sagot ko, walang interes sa tono ng boses ko. Ngumiti siya, parang hindi apektado sa malamig kong sagot. "Then that’s a shame. A woman like you shouldn’t be alone." Napangiti ako, pero hindi sa paraan na gusto niya. Alam kong sanay siya sa mga babaeng kinikilig sa mga banat niya, pero hindi niya ako katulad ng iba. "Who said I’m alone by choice?" Nag-iba ang tingin niya, parang nagulat sa sagot ko. "So, you’re waiting for someone?" Hindi ako sumagot agad. Pinaglaruan ko muna ang baso ko bago ko siya muling tiningnan. "I’m always waiting for someone… who is worth my time." Napatingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita kong nag-alangan siya. Hindi niya ako madadala sa mga simpleng linya ng panunuyo. Tumawa siya nang bahagya, pero may halong inis. "You’re a tough one, huh?" Ngumiti ako. "I don’t entertain boys who think they can play with me." Napangiti rin siya, pero hindi na tulad kanina. Alam niyang hindi ko siya papansinin, kaya napilitan siyang umatras. "Well, it was worth a try. Enjoy your night, Miss…?" "Hindi mo na kailangang malaman." Tumango siya, at sa wakas, iniwan niya ako. Bumalik ako sa pag-inom ng wine ko, walang pakialam kung ilang lalaki pa ang tititig sa akin o ilang babae pa ang magbubulungan tungkol sa akin. Sanay na ako sa atensyon. Sanay na rin akong hindi ito pansinin. Ako si Jasmine Faith Delgado. Ang babaeng pinapangarap ng lahat, pero hindi kayang abutin ninuman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD