Chapter 7

1294 Words
Pumunta ako sa Rooftop pagkatapos ng klase. Nakita ko siyang naka talikod habang naka upo sa isang upuan na pahaba. Nagtatalo ang ang liwanag at dilim sa kalangitan, nagbabadyang umulan. Malamig na simoy ng hangin ang humampas sa akin. Pagkalapit ko sa kaniya na sinabayan pa ng malamig niyang mga tingin. Na agad ring nagbago. Nang muli kong silayan ang kaniyang mga mata ay para na itong nagmamakaawang tupa. At syempre nanaig ang karupukan ko kaya eto ako nagpipigil. Dahan dahan akong tumayo sa gilid niya. " Umupo ka. " naramdaman niya na ata ang aking prisensya. Umupo ako sa tabi niya at nagbigay ng tamang espasyo sa pagitan namin. " U-uhm I'm sorry about the last time..i shouldn't say that to you..nadala lang ako ng iritasyon. " saad nito. " No, ayus lang naiintindihan ko naman. Wala lang iyon sa akin. " i lied. " May dala ka bang payong? " he asked. " W-wala e, nakalimutan ko. " " Meron akong dala, sabay nalang tayong umuwi. Ihahatid kita. " he said nervously. " Ah ok! sige sige "excited na tugon ko rito dahil alam kona sa loob ng halos na ilang taon namin ay makakakasama kona ulit siya at alam kong may chance na magkakwentuhan kami! " Just wait me here, kukunin kolang yung umbrella sa locker. " he said sabay takbo. Yes. I waited him to comeback. It's already 6:30 pm 15 minutes kona siyang hinihintay rito sa Rooftop. Napagdisisyonan kong pumunta na sa locker ng mga lalaki dahil umaambon na. Baka kase kung matagalan pa ay lumakas ang ambon at maging ulan. Halos wala ng mga students sa University. Mayroon pero iilan nalang. Siguro ito yung mga may kailangan pang gawin para sa pageant next month. Naghintay pa ako ng 15 mins pero walang Niko ang bumalik sa akin para makasabay ko sa pag uwi. Kaya napag isipan kona na tumakbo nalang sa gitna ng ulan. Wala akong ibang choices e, sumakto pa na pahirapan na makahanap ng masasakyan ngayon. Halos 8 pm nako nakauwi sa bahay. Pagkapasok ko ay nakita kong tahimik ang bahay. Nakita kong maagang natulog sila inay, samantalang si itay ay mukang hindi pa nakakauwi. Ipinagpawalang bahala ko nalang ito at dumiretso sa aking kwarto para kumuha ng masusuot na damit at pajama. Habang nakatingin sa dingding na may maliliit na star light ay napaisip ako, nakalimutan niya bang sinabi niya na sabay kaming uuwi? O baka naman sinadya niya iyon para maging isang ganti saakin? Lumandas na naman siya. Ang luhang matagal ko ng naipon sa matagal na panahon. Bakit? Paano niya ako nakakayanang saktan? Samantalang nuon ay siya ang aking number one na tigapag ligtas. Ni hindi niya nga ako gustong madapuan ng lamok. But everything changes... iba na ngayon. I'm not his priority anymore. He don't even have a responsibility on me. Pinilit kong imulat ang aking mga mata dahil baka ma late ako. Kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock ko. Hinipo ko ang noo ko dahil mukang may lagnat ako at hindi nga ako nagkakamali dahil sobrang init ng noo ko. Kaya siguro ako giniginaw kagabi at masakit ang ulo. Pumasok pa din ako sa school kahit may lagnat dahil ayokong may ma miss ako na topic sa iba't ibang subjects saka alam ko kase na may quiz si Ma'am Salvador ngayon 60 items. Kaya ayoko namang bumagsak ako dun.Saka uminom naman ako ng gamot bago pumasok. Sabi pa saakin ni Sheryl ay dapat hindi nalang ako pumasok o kaya sasamahan niya ako sa clinic tapos magpahinga muna ako don. Pero syempre sinabi ko dito na okay lang ako't hindi na kailangan. Mas lalo pa atang lumala yung lagnat ko kase ywa parang gusto ko nalang pumikit dun sa discussion ni Ma'am Solis. Nang mag breaktime ay sinamahan ako ni Sheryl na pumunta sa clinic para makahingi ng gamot at makapag pahinga na din. Nahiga ako sa puting kama at ipinikit ang mga mata. Sabi ni Sheryl ay bibili daw muna siya ng makakain namin sa Cafeteria. Palalim na ang pag idlip ko ng marining ko ang boses ni Sheryl. " Hoy bebs nakasalubong ko si Niko hinahanap ka ayiee. "pang aasar nito sa akin. Hinahanap niya ako?Bakit? Dahil ba narealize niya na hindi niya ako sinipot kahapon? " Sinabi ko na nasa Clinic ka kase may sakit. Mukang dadalawin ka ni Mr. Right HAHAHHAHA " Tumambay pa saglit si Sheryl dito para may ka kwentuhan ako pero pinaalis ko din agad dahil magsisimula na yung klase, ayaw pa ngang pumasok sa susunod na subject kase babantayan niya raw ako. And ofc umasa ako don sa sinabi ni Sheryl na baka puntahan ako ni Mr. Right cHar. Pero halos mamuti na ang uwak e wala pading Niko ang dumalaw sa akin. Nakakapagtampo naman. #sadghoRL_nG_piNaS Hinatid ako ni Sheryl sa bahay namin at saka nagpaalam. Walang Niko ang dumating sa clinic, namuti lang ang mata ko sa kakahintay. " HAYOP KA TALAGA MAURICIO BAKIT HINDI KAPA MAMATAY! PISTE KA YUNG PAMBILI NATEN NG ULAM AT BIGAS PINANG SUGAL MO NA NAMAN! " halos gusto ko nalang takpan yung tenga ko sa mga naririnig ko. Sanay naman nako sa ganitong senaryo pero alam nyo yun? Masakit pa din sa part ko yun. Tatlo kaming magkakapatid ako ang panganay at pito saka tatlong taon ang sumunod. Kaya nagttyaga at nagsusumikap ako sa pag aaral dahil gusto kong matulungan yung mga kapatid ko na makapag aral. Ako lang kase ang nag aaral sa amin. At ang dalawa ay hindi. Patuloy pa din yung ang dalawa sa pagsisigawan kaya dumiretso na ako sa kwarto. Ni hindi kona nakayanang kumain kahit kumakalam na yung tiyan ko. Medyo magaan na ang pakiramdam ko sa pagpasok ko ngayon unlike kahapon na sobrang bigat. Pero masakit pa din ang ulo ko. Dumiretso muna ako sa malapit na bilihan ng Sandwich para makapag umagahan. Sobrang gutom ko kase. " Alexa may nag hahanap sayo. " sabi ng isa sa mga kaklase ko. Lumakad ako papunta sa room at napatulala. " SEAAAAANN!? OMG! " sigaw sabay talon ko rito kaya napabuhat siya sa akin. He's the one of my childhood friend. Nakilala ko siya nung nawala si Niko sa lugar namin. Siya yung laging nag cocomfort sa akin dahil lagi niya akong nakikitang umiiyak. Parang kuya na ang turing ko diyan kase bukod sa mapagpasensya ay mabait pa ito. " Oh dahan dahan lang bebs " sabi nito sabay pa cute. Ibinaba niya na den ako sa pagkabuhat. Andaming napanganga sa amin at mukang pinag chichismisan pa kami na baka daw magjowa kami. As if. " Alexandra. " Napatigil ako sa pag tawa dahil sa narinig. Para itong utos na dapat mong sundin dahil kung hindi ay baka parusahan ka. " Who's him? " sabay na tanong ng dalawang lalaki. Nagtitigan ang mga ito na akala mo'y may apoy sa mga mata. " I'm Sean we're having a time, pwede bang mamaya mo nalang siya kausapin? " sabi ni Sean. " Well. Okay. " sabi nito sabay alis at hindi na kami nilingon. Ako? Napa nganga lang kase aba malay kobang pupunta si Niko dito't nagkasabay pa sila ni Sean na nandito muka tuloy akong fucker HAHAH chAr. " Hoy gaga ka bat ka naman ganon? " sabi ko kay Sean sabay kunot ng noo. " Natatawa kase ako dun sa lalaking yon. Mukang may gusto sayo HAHAHAH kitang kita ko yung iritasyon sa mata niya mukang papatay bebs! " sabi nito saakin sabay halakhak. Niko if you only knew ikaw lang yung gusto ko. A/N : Hihe I'll do my best para hindi kayo mayamot sa mga susunod na Chapters. Goodnight have a nice night. Sweetdreams. Vote and Comments are highly appreciated! Enjoy Reading! ♡´・ᴗ・'♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD