Huminga ako nang malalim at sinubukang pigilan ang luha ko pero tumulo eh. Hindi ako umiyak dahil s ajowa pero umiyak ako dahil sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko inaakalang madi-disappoint ako nang ganito. Sobrang nasaktan ako kasi itnuring ko siyang kaibigan. Naging parte na siya ng araw-araw namin ni Lando tapos malaman na lang namin na ganoon na pala. Matagal niya na pala kaming niloloko. Akala ko talaga okay na okay na lahat eh. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang aking luha. Umupo ako s sofa at ilang minuto lang naman ay nasilayan ko na si Alice bitbit ang bag niyang dala noon dito. “Beng...alis na ako,” mahinang saad niya. Nilakasan ko ang volume ng TV at hindi ko siya pinansin. “Lumipas ang mga taon at lalong lumakas ang emperyo ni Orlando. Wala na akong nakitang bab

