Napasinghap ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya at kaagad na nilakumos ng halik. Kamuntik pa akong mapatid nang idiin niya ako sa pader sa gilid ng pinto at ini-lock iyon. “Hmm…” Mabilis ang kilos niya na sinibasib ang loob ng aking bibig. Napaungol ako dahil sa pamilyar na pakiramdam. Ang tagal-tagal na nu’ng huli naming naramdaman ang init ng bawat isa. Naiintindihan ko at pareho kaming may pagmamadali ang kilos. Basta na lang niyang hinila ang suot kong damit. Ganoon din ako sa kaniya. “Aray!” reklamo ko nang basta na lang niyang kinalas ang suot kong bra. Napatingin ako sa damit ko sa gilid at sirang-sira na iyon. Wala naman siyang pakialam at hinila pa ako lalo palapit sa kaniya. Naramdaman ko naman ang basang labi niyang hinahalik-halikan ang aking leeg. Nag-abot ulit an

