Sheen's pov Napakasarap magising ng ganito. Magkakatabi kami at nakayakap ang mga anak ko sa daddy nila. I know matagal na tong gustong mangyari ni Gavin at yung lahat kami okay na. Kinuha ko at ino open ang video set para sa napaka gandang umaga, live sa sss. Hawak hawak ko ang phone ko at sa video kita sa likod ko ang mag-aama ko. "Hello, goodmorning. Yes a really goodmorning to me ang my family. Tulog pa ang mag-aama ko. My princess, my prince and my king.. what a great view to start my morning." kita ko na madaming views, madami na ding nagcomment Megan- Ang cute ng nasa likod mo ate. Ahyieeee kinikilig ako. Happy family na. Mark -wow Sheen road to forever na ah. Dyan din ang punta namin ng nasa taas nito. haha Am-Congrats bunso. Ang ganda ng family mo. Dj- naks ganda ng umaga

