Sheen's pov Nandito kami ngayon sa harap ng hapag kainan pinagsasaluhan ang luto ni Gavin. Hmmm not bad kasi ang natatandaan ko di nya alam magluto. Nung kami pa ako ang taga luto nya, kahit sa recess baon ko ang kinakain nya. Wala naman kasing alam gawin yan dati kundi magbolakbol lang at guluhin ang araw araw ko sa school. Tsk. "Daddy tulungan mo akong i assemble yung barbie house ko huh. Gift ni ninang yun sakin pero di ko pa naaayos. " kausap ni Sha habang sinusubuan sya ni gavin na nakakandong pa sakanya. "Sure baby" yun lang ang nasabi ni Gavin dahil abala sya sa paghihimay ng hipon sa kambal. Kanina pa ganyan yan bini baby ang kambal. Ang attensyon nya nasa kambal. "Sha baka nahihirapan na si daddy. Hindi na siya makaka kain oh." Sabi ko dahil hindi na nga talaga siya nakakaka

